Ahwel
Ahwel paz generous Sa mga katrabaho!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2019 - 12:00am

Love ko si Ahwel Paz. Imagine, ang charity works niya para sa showbiz press na libre para sa health card, napakalaking bagay.

Tapos napaka-supportive pa niya. Nagpadala siya ng maraming pagkain sa taping ng Take It... Per Minute! in support for us.

Napaka-caring ni Ahwel at very open sa lahat ng gustong pumasok sa entertaintment industry. I love Ahwel dahil hindi siya selfish, generous siya in material at personal na bagay.

Ang concern niya for the health of writers, saludo ako. Ang tulong niya sa mga tao na lumalapit sa kanya, bow ako. Most of all, I love him for being so loving.

Thank you Ahwel. Salamat. Masarap ang food sa restaurant mo na Dong Juan sa #72 Mother Ignacia Ave., Scout Reyes, QC. para magpunta doon ang mga friend natin dahil true, ang sasarap ng mga food lalo na ‘yung mga pinadala nilang lunch sa atin. Thanks again Ahwel.

Nanood din ng Take It…Per Minute ang kasambahay ko na si Mel pero may complain siya, nawawala kung minsan ang audio kaya hindi niya marinig ang mga sinasabi namin ni Cristy Fermin.

Kasi nga, hindi naman fulltime production na kumpleto sa lahat ng technical equipment ang online show namin ni Cristy dahil ang mga technician, hindi kasing dami ng crew ng isang television station.

Pero hanga ako dahil kahit minimum ang staff, nagawa nila na iraos ang show.

Isang senador ang guest namin sa pilot episode ng Take It..Per Minute na mapapanood sa Pilipino Star NGAYON FB Page, si Senator Bam Aquino, kasama ang kanyang misis na si Timi na cute at very intelligent.

Sa personal pala, hindi ganoon ka-chubby si Senator Bam. Preppy nga silang dalawa ni Timi at feel na feel ang youth factor nila.

May charisma din si Bam tulad ng kanyang pinsan na si Kris Aquino. Sobra ang asikaso nina Tina Roa at Japs Gersin sa team Take It... Per Minute!

Bongga ang mga assistant ni Cristy kaya naisip ko dapat sa Obra ni Nanay Gallery na palagi ang taping namin dahil kung sa Bambbi Fuentes, malaking abala ang mangyayari sa mga customer ni Bambbi.

Isang oras lang ang online show namin ni Cristy pero naka-istambay na kami sa Obra ni Nanay Gallery mula 10 am .

After the show, kain-kain at kuwentuhan kami. Naku ha, halos buong araw na gamit mo ang lugar na hindi puwede sa beauty parlor ni Bambbi.

Honestly, nag-enjoy ako dahil kahit once a week nagkikita-kita kayo, dumalaw pa si Ogie Diaz at binigyan kami ng goodluck vibes ni Ahwel Paz na food from his resto Dong Juan na masarap in fairness.

Make it a habit please watch n’yo kami sa online show namin ni Cristy, enjoy n’yo na lang mga kagagahan namin sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON.

AHWEL PAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with