Maine
Ibang fans ni Maine parang ‘di marunong magbasa, parang walang laman ang utak
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

Alam mo Mama Salve, hindi ko maintindihan ang bintang ng fans ni Maine Mendoza dahil sinasabi nila sa kanilang mga comment na sinisiraan ko si Maine. Anong paninira? Saan at alin?

I am grateful na mabait ang family ni Maine kapag nakikita ko sila sa  salon ni Bambbi Fuentes, lalo na ang nanay niya na napakabait at ma-PR.

Sa iilang beses na nakita ko si Maine, mabait at magalang siya. Sinabi ko pa kay Alden Richards na gusto ko ang ugali ni Maine na may distance at hindi tulad ng iba na parang plastic ang pagiging sweet.

Sinabi ko rin sa mommy ni Maine na gusto ko ang ugali ng anak niya na parang detached dahil naiiba.

Puwedeng nasusulat ko ang mga balita na kumakalat na may patunay mula sa sources pero hindi ‘yon paninira kay Maine.

Puwedeng hindi kami close, or hindi kami madalas magkita pero gusto ko si Maine. Actually, a breath of fresh air siya sa gitna ng pagiging showbiz ng ilang mga artista.

Kaloka kung minsan ang kitid ng utak ng ibang fans, ewan kung hindi marunong umintindi ng binabasa o
likas na walang laman ang utak kaya kung anu-ano ang inilalagay na kahulugan sa mga binabasa nila.

Alam n’yo ba na dahil sa pagka-nega ng ilan sa inyo, pati ang ibang reporters lumalayo ang loob sa idolo n’yo?

Hindi nakakatulong ang inyong mga mali na akusasyon sa mga isinusulat ng mga writer dahil negative vibes ang ibinibigay ninyo.

Kawawa naman si Maine sa mga tao na tulad ninyo na dapat magkaroon ng assessment sa sarili  para makatulong kayo sa pananatili ng popularidad niya. Pathetic, ‘yan lang puwede kong sabihin tungkol sa inyo.

Mayor Abby pinupuri!

Natuwa naman si Marivic L. nang kumain kami sa Trellis Manila dahil nang malaman ni Chin na ini-endorse niya si Mayor Abby Binay, sinabi sa kanya ni Chin na fan na fan ito ng incumbent mayor ng Makati City dahil na-doble ang income ng city nila.

Malaking bagay rin ang first subway sa Pilipinas na itatayo sa Makati City. Ipinakita sa akin ni Marivic ang mga video ng mga mangyayari kapag nagawa na ang subway na malaking tulong talaga sa mga residente ng siyudad.

Bongga talaga dahil achiever si Mayor Abby Binay na nangako na gagawin ang lahat para sa ikauunlad ng Makati City at kapag natapos na ang kanyang mga project, exit politics na siya para  tutukan ang pag-aalaga at pagpapalaki sa nag-iisang anak niya.

Taglay ni Mayor Abby ang working habits ng tatay niya, si former Vice President Jojo Binay na subsob sa paglilingkod kaya galit sa mga ibang opisyal na hindi nagagawa ang trabaho at walang presence sa distrito nila.

Mayor Abby Binay is one official ng gobyerno na maipagmamalaki ng mga nasasakupan niya dahil all work and no play ang kanyang motto.

Trabaho talaga kung trabaho. Hay naku suwerte ng Makati, magkakaroon na sila ng subway parang Hong Kong kaya minus traffic na.

Misis ni Terrence mas gustong manahimik

Madalas pagtsismisan ng mga reporter ang mga asawa ng basketball players.

Dahil nga misteryosa ang misis ni Terrence Romeo, kung anu-ano ang naririnig ko. Lucky me, nakita ko na in person ang misis niya. Maganda siya, cute, hindi gandang pang-showbiz, pero sa standard ng beauty, may itsura siya.

One thing na napansin ko, magalang at mahiyain siya na perfect sa personalidad ni Terrence na mukhang palaban.

Sabi nila, the wind beneath your wings is your partner, so siguro ‘yon ang stabilizing effect ng asawa ni Terrence kaya mas stable ngayon ang sikat na basketball player.

Mabuti na rin very private ang asawa ni Terrence  dahil may fans na sobra ang pagiging possessive.

Anyway, maraming salamat nga pala sa tumutok kahapon Take It... Per Minute sa Pilipino Star NGAYON FB live noh!

Magkita-kita tayo uli sa susunod na Martes, 12:00-1:00pm.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with