Juliana at Marco
Marco walang regret na inilantad ang naging relasyon nila ni Juliana!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

Kahit nagkahiwalay na bilang magkasintahan ay nanatiling magkaibigan pa rin sina Marco Gallo at Juliana Gomez. Ngayon ay may komunikasyon pa rin sa pagitan ng dalawa.     

“Ang alam ko magkaibigan kami at walang sisira sa pagkakaibigan namin. Siguro wala na po ‘yung pagka-sweet but that’s not the end of the world. I can still talk to her as a friend and tell her ‘yung mga problema ko. And it’s nice to… minsan kasi ang showbiz mahirap magtiwala sa taong hindi mo kakilala. So advantage na kilala ko na siya. Hindi naman po kami nag-away. Friends pa din naman po kami. When we broke up it was a friendly thing and we were happy about it. Kasi that’s life, go on, move on,” nakangiting pahayag ni Marco.

Noong isang taon ay hindi inamin ng dating magkasintahan ang tungkol sa kanilang relasyon. Maging ang mga magulang ni Juliana na sina Richard Gomez at Lucy Torres ay hindi rin nagsalita tungkol sa tunay na namagitan kina Juliana at Marco. “Alam po nila, nakapagpaalam naman po. The important thing is sila ‘yung pinakaimportante, alam nila. It’s fine, ako rin at first I was denying it. Kasi nga I didn’t want nga, it is not needed to make it public. I don’t want kasi it’s my life. It’s private, I want to keep it not as secret as possible but as private. Lahat tayo may damdamin, lahat tayo may feelings. Maybe I was not ready yet to tell the world about what I felt for her dati. Kaya maybe all of us were denying. It’s past,” paliwanag ng aktor.

Hindi nakararamdam ng pagsisisi si Marco sa ginawa niyang pag-amin kamakailan tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Juliana. “Kasi lalabas at lalabas din ang katotohanan. Bakit naman hindi, wala namang masamang bagay doon. Lahat naman po tayo nagkaka-jowa di ba?” giit niya.

Ayon kay Marco ay natuto na siya mula sa dating nakarelasyon bago pa nakilala si Juliana. Kaya hanggang maaari ay gusto raw ng aktor na gawing pribado na lamang ang tungkol sa kanila ng dalaga. “Before Juliana there was some relationship na nasama ‘yung showbiz then it affected our relationship. So in my experience na kunyari maka-love team ko, ayaw ko na ma-affect ‘yung friendship namin. I don’t want showbiz to affect about the two of us,” paglalahad ni Marco.

Matatandaang si Kisses Delavin ang hu­ling nakatambal ng aktor bago pa naugnay kay Juliana.

Ronnie hindi pa nagkakatugma ang role sa AP

Simula ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Exit Point na pinagbibidahan ni Ronnie Rickets. Naniniwala umano ang aktor na muling nabuhay ang paggawa ng mga proyektong aksyon ang tema sa pelikula at telebisyon. “Kailangang buhayin natin. It’s just a matter of time na kailangang buhayin natin ang sigla ng action movies. So hopefully after Bato: The General Ronald Dela Rosa Story (pelikula ni Robin Padilla), Exit Point naman para tuloy-tuloy na. May plano din kami ni Robin na gumawa ng pelikula. So lahat ‘yon pinaplano natin ngayon,” nakangiting bungad ni Ronnie.

Ilang beses na ring nakatanggap ang aktor ng alok para mapasama sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay talagang gusto ni Ronnie na mapabilang sa nangungunang programa sa Primetime. “Kung may role na maganda, bakit hindi? Hindi lang talaga magkatugma-tugma ang role. Siguro kapag may maganda, bakit hindi?” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

 

JULIANA GOMEZ MARCO GALLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with