Babaeng personalidad matagal nagdusa sa ‘stagnant’ na mister!
Babaeng personalidad matagal nagdusa sa ‘stagnant’ na mister!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

Napakahaba pala ng panahong ipinagtiis ng isang kilalang female personality sa kanilang pagsasama ng isang lalaking personalidad bago siya nagising sa katotohanan isang araw na suko na siya.

Matagal na matagal na panahon ‘yun na kailangang manahimik lang ng aktres sa mga problemang naeengkuwentro niya sa kanilang pagsasama. Maging sa mga kapamilya niya ay hindi nagsasalita ang babae.

Kuwento ng aming source, “Grabe rin ang pagi­ging martyr ni girl. Kung paano niya natiis ang napakahabang panahon na ‘yun, e, dapat lang siyang ipagpatayo ng monumento ng pamilya niya.

“Sinasarili niya kasi ang mga problema niya, meron naman siyang mga mapagsusumbungan, pero never siyang nagsalita. Hoping kasi ang girl na baka naman magbago ang husband niya.

“Pero ganu’n pa rin ang palaging nangyayari, ang girl ang kilos nang kilos, pero parang wala nang pangarap ang kasama niya sa buhay. Kumbaga sa tubig, e, stagnant na ang male personality, ayaw nang gumalaw,” umpisang kuwento ng aming source.

Nagalit nga raw sa aktres ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya kung bakit hindi man lang siya nagsalita tungkol sa kanyang mga problema. Ang akala raw ng mga ito ay maayos ang kanilang pagsasama.

Patuloy ng aming source, “Marunong siyang magdala ng problema, naitatago niya ‘yun. Sa mga reunion nila, kahit konting sign lang na nahihirapan na siya, e, walang napapansin ang mga kapatid niya.

“Puro tiis talaga ang ginawa niya dahil sa mga anak nila. Malay nga naman niya, baka isang araw, e, magising na rin ang husband niya at makaisip na kumilos!

“Kahit ang mga friends niya, e, nagulat din nu’ng lumabas ang balitang naghiwalay na sila. Nagkakasama-sama kasi sila kapag reunion, pero wala naman silang napapansin na gusto na pala niyang sumuko.

“Ang pagiging simple ng girl ang dahilan. Sobrang simple kasi niya. Sa pananamit, sa kahit ano, napakasimple lang niya. Kaya ayun, kahit hirap na hirap na siya, e, simple pa rin siya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Feeling daw kasi ng male personality ay napakatalino na nito. Wala itong pinakikinggang payo. Matalino raw kasi ang male personality na hindi nangangailangan ng utak ng ibang tao.

“Naku, ‘no! Kung matalino talaga siya, e, bakit walang nangyayari sa career niya? Siya ba ang nagpaunlad ng buhay ng family nila? Ang girl lang ang kayod nang kayod!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

 Angel sumabog sa taping na walang script, hindi pa alam kung babalikan ang The Generals...

May matinding problemang pi­nagdadaanan ngayon ang produksiyon ng The General’s Daughter. Pack-up ang regular taping nila nu’ng nakaraang Lunes.

Miyerkules ngayon, taping day uli ng matagumpay na serye ng ABS-CBN, dumating kaya sa set ang bumibidang si Angel Locsin?

Pumutok ang balita ng pagwo-walkout ni Angel nu’ng nakaraang Biyernes nang umalis siya sa set nang walang paalam sa staff. Walang nakakaalam ng dahilan ng kanyang pag-alis.

Isang staff ang balitang sumunod kay Angel nu’ng pasakay na siya sa kanyang van, tinanong nito kung ano ang problema, “I can’t do this” lang ang tanging nasabi ng aktres.

Dahil du’n ay kaliwa’t kanang kuwento na ang kumalat. Ang unang naputukan ng isyu ay ang kanilang direktor. Palasigaw at palamura raw ang kapitan ng kanilang barko.

Hindi raw sanay ang aktres na nasisigawan siya, lalong ayaw niyang naririnig ang pagmumura ng direktor sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, ‘yun ang unang istoryang sumingaw sa pagwo-walkout ni Angel.

Mahahaba ang mga linyang binibitiwan niya sa serye pero tumatakbo pala ang taping nang wala pa ang script ng mga artista. Parang mga bata silang sinusubuan lang ng assistant director ng mga dayalog na kailangan nilang sabihin.

Si Deo Endrinal ang pinakaulo ng Dreamscape Entertainment na producer ng The General’s Daughter, kung kilala nga namin ito sa maraming taong ipinagsama namin sa ABS-CBN ay ayaw na ayaw nito ng mga ganyang senaryo, siguradong kinakausap na nito nang masinsinan ngayon si Angel Locsin para maplantsa na ang problema.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with