^

PSN Showbiz

Negosyanteng pinagbabaril sa edsa mister ng theater actress

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa mga hindi pa nakaalam, asawa pala ng theater actress na si Menchu Lauchengco-Yulo ang napabalitang pinatay na businessman, kasama ang driver nito sa may Mandaluyong EDSA  kamakalawa lang.

Ayon sa balita, si Jose Luis Yulo itong businessman na pinagbabaril ng dalawang motorcycle-riding gunmen. Dead on arrival daw ito, pati ang driver na si Nomer Santos.

May kasama raw silang isang babae, pero nasugatan lang ito.

Ayon sa report, hindi pa alam ang dahilan nang pananambang, pero baka may kinalaman daw ito sa mga negosyo ni Yulo.

Naging bahagi si Menchu sa pelikulang Larawan, at ang musical play na huling El Bimbo.

Nakikiramay po kami sa kanya at sa mga anak na iniwan ni Jose Luis Yulo.

Ang kanyang mga labi ay nakaburol sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.

Moira nagkalat sa Buwan…!

Ilang kaibigan ang nadismaya sa performance ni Moira dela Torre sa ASAP Natin ‘To nung nakaraang Linggo dahil sa hindi raw nito nabigyan ng tamang hustisya ang awiting Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.

Ang ganda pa naman ng portion na iyun sa ASAP, lalo nang kinanta muna nina Dulce, Jona at Klarisse de Guzman ang Aawitan Kita, tapos pasok sina Kyla, Moira at Dulce uli para kantahin ang Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.                

Ang ganda ng simula ni Kyla sa unang bahagi ng kanta, at sinundan ni Moira na dalawang linya lang naman ang kinanta, pero wala sa tono.

Hindi naman magagaling na singers ang mga nag-react pero alam na alam nila ang kanta, at ang gagaling ng mga unang kumanta, kaya halata talagang hindi naikanta nang maayos ni Moira.

Sabi nga ni Shalala, “naluha-luha na ako sa mga kanta, biglang umurong nang kinanta na niya, eh favorite song ko pa naman yun.”

Mabuti na lang at magaling sina Kyla, lalo na si Dulce na napakagaling ng rendition sa natu­rang kanta.

Tinapos ito ni Regine Velasquez ng Saan Ka Man Naroroon, kaya nakakapag-emote ka sa pagpanaw ni Tita Midz.

Kung sa bagay, nangyayari naman ito sa ibang magagaling na singers, kaya okay lang. Hindi naman ito makakasira kay Moira. Napapaghalata lang na hindi siya familiar sa kanta, kaya sumabit ito.

Pinag-usapan na rin tuloy ang isa pang kapalpakan sa APO Musical na kung saan hindi raw talaga maitago ang pagpiyok ni Mica Javier sa awiting Tuyo Nang Damdamin.

Hindi ko napanood ang naturang musical play, pero napapag-usapan din ng ilang kaibi­gang nakapanood nito kamakailan lang. Parang hindi rin daw sanay si Mica sa kantang iyun, na hindi kasi tunog-millennial. Kaya ginagawa na lang biruan ng ibang bading.

Baka sinadya raw na magpapiyok para mapag-usapan. Pero sabi ko nga uli, hindi naman maiwasan ito sa ilang magagaling na singers, kaya puwede nang palagpasin pagkatapos pag-usapan.

Gladys may bagong career

Mukhang kakaririn na ni Gladys Reyes ang pagpapa-acting workshop sa mga estudyante, dahil lalong dumarami ang nag-iimbita sa kanya na gustong mag-workshop ng acting lalo na kung paano maging kontrabida.

Lalo pa siyang nag-hit nang naimbitahan ito ng mga estudyante ng La Salle Taft para mag-workshop. Pero bentang-benta ‘yung nagpasampal silang lahat kay Gladys.

Ngayon daw ay naiimbitahan na rin siya sa mga corporate shows para sa mga empleyado na fans pa raw noon ng Mara Clara. “Pero gusto ko na ituloy yung acting workshop, yung Momment ko To.

“Kasi kahit nung sa MTRCB pa ako nagpa-mini workshop na ako nun sa Ateneo de Manila,” pakli ni Gladys.

Pero sa TODA One I Love naman ay wala pa raw siyang nasasampal.

May masasampal din daw siya soon. Maaring si Kylie Padilla kaya ang mauunang makatikim ng sampal kay Gladys?

Sa totoo lang, lumalaban na rin naman tong TODA sa matinding katapat.

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with