Familia Blandina
Familia Blandina
Karla nilinaw ang hiwalayan nina Daniel at Kathryn!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

Hindi pinaligtas si Karla Estrada kahapon sa media conference ng movie niyang Familia Blandina sa isyung hiwalay na ang anak na si Daniel Padilla at girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Karla, hindi hiwalay sina Daniel at Kathryn matapos ngang lumaki ang isyung biglang nag-unfollow si Daniel kay Kathryn sa Instagram ng aktres.

“No. For the record, walang ganyan. Hayaan na natin ‘yung mga nag-iisip ng ganyan,”  pahayag ng Queen Mother.

Nauna nang sinagot ni Kathryn na hindi sinasadyang napindot niya ang “block” button kaya ganun.

“These things really happen sa mga magkakarelasyon and maganda naman do’n, na-explain naman ni Kathryn na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow or. . .di ba, parang ganu’n?

“Kami, tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yang mga bagay na ‘yan. Hindi naman daw niya sinasadya, ‘di ba, she was saying? But of course, huwag na tayong manghimasok do’n, hayaan na natin sila sa mga ganun-ganu’n nila, di ba?

“Basta’t ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa buhay-pamilya niya at lalong-lalo na sa kanyang buhay-trabaho,” say pa ni momshie Karla.

Eh ano naman ‘yung isyung nag-propose na si Daniel sa girlfriend. Ayon kay Karla, hindi rin ito totoo. Sa Japan diumano naganap ang proposal nang magbakasyon  doon ang magkarelasyon.

 “Well, ‘yung mga proposal na ‘yun nun’g nandun sila sa Japan, hindi sila ‘yun. So, nag-assume lang tayo, no? ‘Yung mga nakapanood. And actually, hindi naman talaga big deal ‘yun. May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon and ako ang unang makakaalam nun,” paliwanag pa niya.

Basta raw siya lagi niyang pinaaalalahanan ang mga anak particularly Daniel dahil sa karanasan niya sa pag-ibig.

Common knowledge na apat ang anak ni Karla at apat din ang ama.

Ayaw naman daw niyang sabihin expert siya pero at least may alam siya sa ganung aspeto ng buhay, ang pag-ibig.

Naging consistent ang isyung break na sina Daniel and Kathryn lalo na nga’t hindi na naman sila magkasama sa ASAP kahapon. Si Regine Velasquez ang ka-duet ni Daniel kahapon.

Pero ayan nilinaw na ni momshie Karla.

Anyway, bida ngayon si momshie Karla sa pelikulang Familia Blandina na umiikot sa kwento ni Cindy (Karla), isang babaeng iniwan ang kanyang pamilya para tumungong Amerika upang pakasalan ang isang Kanong sundalo.

Nagkaroon sila ng tatlong anak pero nang mamatay ang Amerikanong asawa, iniwan sila nitong baon sa utang kung saan kailangan nilang bumalik ng bansa para maitaguyod ang mga anak na lahat blond.

Pero sa kabila nang pinagdadaanan niya, makikilala niya ang isang byudo at may dalawang anak na blond din. Magiging pamilya sila at doon nila ituturo sa mga anak ang ugali at tamang asal ng mga Pilipino.

Sa panulat ito ni Mel Mendoza-del Rosario na lumikha ng Tanging Ina movie series, pramis na momshie Karla magdadala ito ng katatawanan sa mga manonood.

Mula ito sa direksiyon ni Jerry Lopez-Sineneng na showing na sa February 27.

Isang doktor ang producer ng Familia Blandina, si Dr. Dennis Aguirre na isang eye doctor at naniniwala sa pelikulang pinuhunanan niya na papatok ito sa takilya.

FAMILIA BLANDINA KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with