Robi at Maiqui
Robi at Maiqui
Nagsalita na, Robi authentic and genuine ang relasyon sa GF na hindi taga-showbiz!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

Kasintahan ngayon ni Robi Domingo si Maiqui Pineda. Ayon sa aktor una silang nagkakilala ng dalaga noong high school pa lamang sila. “Because of common friends, we knew of each other. We never really got acquainted. Kasi malayo ‘yun barkada namin. Also when I was in college, I didn’t really have time to socialize. Study, work, study, work, that was how I rolled. Yet every year, Maiqui and I would see each other for the ABS-CBN Christmas Special. The twins would always go because they love local entertainment,” pagbabahagi ni Robi.

Matatandaang ilang taon din ang inabot ng relasyon ng aktor at Gretchen Ho. Wala nga raw ka­sintahan noon si Robi nang muli silang nagkaroon ng koneksyon ni Maiqui. “That time I was single but I had no intentions, no intentions at all. We talked from 1 A.M. and finished around 4 A.M. It was a good talk. I was telling her my experiences being inside this bar and dancing on the table. I invited her to join me next time. It’s cathartic if you wanna move on, I told her. It was a good talk. She texted me the next day, thanking me for it. For guys, iba ‘yung naramdaman mo ‘pag nag-text ‘yung girl. It felt like, ‘Uy! Type ako nito!’ It was just a feeling ha-ha-ha. From then on, we started messaging each other, every single day,” natatawang kuwento ng aktor.

Unang napabalita na magkasintahan na sina Robi at Maiqui noong August, 2018. Para sa aktor ay talagang maayos at masaya ang relasyon nila ng dalaga. “Well, this relationship with Maiqui, I can say is authentic and genuine. We share different experiences and have different worlds. And yet, somehow it works. We work,” giit ng binata.

Miss World PH hindi nahirapan sa horror film

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na rin sa paggawa ng pelikula ang Miss World-Philippines 2012 na si Queenie Rehman. Kasama ang beauty queen sa pelikulang Second Coming na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin.

Bilang baguhan sa pag-arte ay hindi naman daw nahirapan ang dalaga sa mga eksenang ginawa sa nasabing horror film. “Siguro ang pinakamahirap lang ‘yung paglalagay ng prosthetics. Medyo uncomfortable lang pero masaya. It was so nice working with them especially with Jodi. I became close with her kasi same tent kami. May mga na-share siya sa akin about tips for acting and for me, it makes me comfortable with the scenes we do,” paglalahad ni Queenie.

Isang bagong pelikula na ang pinaghahandaan ng dalaga ngayon. Magiging mapangahas at kontro­bersyal ang bagong gagawin ni Queenie sa bagong proyekto na kanyang pagbibidahan. (Reports from JCC)

MAIQUI PINEDA ROBI DOMINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with