Harlene
Harlene
Harlene nadi-drain sa paghahanda sa annulment!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

Nakainom na ng ilang baso ng red wine si Harlene Bautista nang tsikahin namin nung nakaraang Biyernes sa Appreciation Dinner ng Metro Manila Film Festival na ginanap sa Sampaguita Gardens.

Kaya ilang beses niyang sinasabing huwag siyang interbyuhin pag nakainom at baka kung anu-ano raw ang masasabi niya.

Kaya napaamin din siyang open na siya sa panibagong relasyon kung sakali.

May mga nagtatanong sa kanya kung totoong dating taga-That’s Entertainment ba ang bagong espesyal na tao sa kanya, pero hindi niya ito sinasagot.

Malalaman din naman daw ito sa darating na panahon. “Soon. Sa tamang panahon,” matipid niyang sagot sa amin.

Agree naman si Harlene na si Romnick Sarmenta ang unang nakahanap ng kapalit, pero wala raw siyang alam tungkol diyan.

Pero kung sakaling may kanya-kanya na raw silang karelasyon, nilinaw ng actress/producer na wala itong kinalaman sa kanilang paghihiwalay.

“Kung meron na siya ngayon, kung meron ako ngayon, hindi third party yun. Hindi yun ang rason ng hiwalayan,” sabi lang ni Harlene.

Sa ngayon, bilang bahagi ng pag-move on, inaayos na ni Harlene ang annulment nila ni Romnick.

Siya raw ang magpa-file at medyo nakakapagod daw pala itong proseso.

“Hindi ko pa na-file, pero malapit na,” pakli ni Harlene na masaya namang nakipagtsikahan sa amin.

Dagdag na kuwento niya, nung bandang October last year lang umalis ng bahay si Romnick, pero matagal na raw silang nagkakaproblema na umabot sa desisyong maghiwalay na.

Babalikan niya ito ngayon dahil bahagi iyun sa proseso ng pag-file ng annulment, at nakakapagod daw talaga. Nakaka-drain,” sabi niya.

Kaya sinundan namin ng tanong kung handa na ba siyang harapin ito lahat lalo na kapag dinidinig na ang kasong ito sa korte.“Ready or not, kailangan mangyari eh. So, sabihing ready ako ngayon…ganun eh.

“Mahirap talaga, pero mas mahirap kung wala kang gagawin, at ‘yun ang dapat mangyari para maayos,” seryosong pahayag ni Harlene.

Pagdating sa mga bata, wala naman daw isyu sa kanila. Nahihiram naman daw ni Romnick ang mga anak nila, at masasabing friends naman sila ngayon.

Balitaktakan sa Liz-Quen movie tuluy-tuloy

Masaya dapat ang lahat dahil sa box-office success ng Alone/Together nina

Enrique Gil at Liza Soberano, pero naging mitsa naman ito ng pagpapalitan ng diskusyon sa social media nina FDCP Chairperson Liza Diño at direk Erik Matti.

Mahaba ang hanash nila sa Facebook account, na mukhang may punto naman si direk Erik, pero naipaliwanag naman ito nang maayos ni Liza.

Kaya sabi na lang ni Liza nang na-korner namin sa MMFF Appreciation Dinner nung Biyernes, sinagot naman daw niya at na-clarify naman daw niya ito lahat sa kanyang Facebook page.

“Siguro I just clarified some of the concerns niya di ba?   “Sa mga Philippine Night na ginagawa namin in other countries. Tapos, yung mga forum na sina-suggest niya na dapat na ginagawa. Actually, I just clarified that…this is an ongoing thing. Marami kaming ginagawang mga meeting. It’s not that easy talaga. Hindi naman nakukuha sa isang meeting yan..and hindi naman lahat available lagi, and we don’t stop. Baka lang hindi niya alam.

“I just clarified intentionally then post it on Facebook for people to know na even we have limitations naman, we find ways to connect to the people na makatulong sa amin na makagawa ng mga batas na makakatulong sa industriya natin,” maingat na pahayag ng FDCP Chair Liza Dino.

May kanya-kanya silang opinyon na puwede nating tanggapin, pero sa totoo lang, hindi talaga masasabi kung aling pelikula ang kikita.

Kaya umaayon na lang ako sa sinabi ni direk Joey Reyes na nagdirek ng Time & Again, “bahala na si Batman.”

Hindi mo kasi talaga alam kung tatanggapin ng mga manonood o hindi, kaya gawin mo na lang ang tingin mong dapat at tama. Baka magustuhan naman ito ng mga manonood.

As of yesterday kasi mahigit 123M na ang kinita ng LizQuen movie na napapanood sa 400 theaters nationwide.

Barbie at Mika ayaw nang isipin ang probinsyano

Talaga namang nag-effort nang husto si Jak Roberto sa inihanda niyang surprise para kay Barbie Forteza nung nakaraang Valentine’s Day.

Kinuntsaba kasi ni Jak ang mga magulang ni Barbie, pati ang mga kasambahay nila kaya successful ito dahil wala talagang kaalam-alam si Barbie nung nasa 24 Oras ito.

Mamayang gabi na huhusgahan ang Kara Mia nina Barbie at Jak, kasama sina Mika dela Cruz at Paul Salas. Pagkatapos ito ng 24 Oras.

Sabi ni Barbie, hindi na nila iniisip ang pakikipagkumpetensya sa katapat na matindi naman talaga.  Mas okay na raw iyun para walang pressure sa kanila. Ang hirap na nga ng ginagawa nila ni Mika, magpapa-pressure pa ba sila.

HARLENE BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with