Lito at Grace hindi hirap sa survey
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

Marami ang nagulat na makabilang sa isang malaking survey for top 4 senatoriables si Lito Lapid. Talaga bang bilib ang mga na-survey sa naging serbisyo nito  nung una itong mahalal bilang senador, o baka lubha lamang napaka-effective ng ginawa niyang pa­ma­maalam sa Ang Probinsyano at nagmarka ito sa puso ng lahat? Mula sa kasal nila ni Angel Aquino sa serye hanggang sa kanilang paghihiwalay ay walang maipintas ang mga manonood. 

Pang-apat ang action star sa tatlong nangungunang babae sa survey na ang unang posisyon ay nakuha ng isang produkto rin ng isa pang showbiz royalty na si Sen. Grace Poe. Hindi man makitang ma­dalas si Sen. Grace sa mga showbiz scenes, ma­la­­king tulong sa kanya yung napaka-p opular na TVC ng gamot ng ina niyang reyna ng pelikula at patuloy na pagtatagumpay ng mga pelikula  ng ama niyang hari ng aksyon sa telebisyon.

Maraming aral ang dapat matutunan ng mara­ming senatoriables kina Sen. Grace at Lito, mas madaling kumuha ng boto ang mga artistang nagtatrabaho. Lalo’t maayos silang nagtrabaho.

Ken maraming napaiyak

Iyak to death ang maraming manonood ng My Special Tatay nung Biyernes ng hapon sa eksena ng paglilibing sa character ni Jestoni Alarcon, tatay ni Boyet, ang central character ng serye na ginagampanan ni Ken Chan.  

Hindi pa yun ang eksena na napanood ng 50th Box-office Awards pero, binigyan na nila ng Best Actor si Ken.

Hindi naman nasayang ang ginawang paglipat ni Teresa Loyzaga from being a Kapamilya to being a Kapuso, mahirap ang role niya sa series, kontrabida to the max. Hinihintay na lamang ng mga manonood na kasihan ng kapalaran si autistic boy at makamit ang karampatang hustiya na nakalaan sa kanya. No wonder, nagagawang makipagsabayan ng My Special Tatay sa kalaban niyang programa, the series hits the heart directly.

Ciara handa na uling mag-asawa

Kaya pala, nagpapa-annul ng marriage niya si Ciara Sotto ay mayro’n na siyang bagong pag-ibig, isang non-showbiz guy na nagngangalang Ian Austin. Obvious na ayaw manatiling boyfriend lamang ng bunso nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa si BF. May blessing siya ng kanyang mga magulang.

LITO LAPID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with