Pagpapalit ng Pilipinas ‘wag ipilit
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

Hindi ko gusto ang balak na palitan ng pangalan ang Pilipinas at gawin ito na Maharlika.

Kung talagang gusto ng ibang mga senador ang Maharlika, puwede siguro na idugtong na lang ito para maging Maharlikang Pilipinas ang pangalan ng ating bansa pero over na kung papalitan.

Nakakalito ang papalit-palit na pangalan ng mga kalye kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na palitan ang pangalan ng Pilipinas. Why?

Kung nakakalito ang pagpapalit ng pangalan ng mga kalye, gugustuhin pa ba natin na malito ang maraming tao  kapag pinalitan ang pangalan ng ating bansa?

Masarap sa pandinig ang Pilipinas, at nakatatak na sa atin ang pagiging Pilipino kaya hindi na ito dapat palitan at burahin.

Please don’t! Huwag nang ipilit gaya nang pag-ayaw natin sa kagustuhan ng iba na palitan ang lyrics sa Lupang Hinirang na ‘Ang mamatay nang dahil sa iyo.’

Ganoon din ang feeling nang marami, huwag galawin ang pangalan na Pilipinas. Ang dami-dami naman na dapat harapin na problema ng ating bansa, bakit kung ano-ano ang naiisip ng mga mambabatas?

Okey na ang war against illegal drugs, okey na ang build build build program ng pamahalaan at okey na ang one stop shop kaya please, huwag na nilang pakialaman at palitan ang pangalan na Pilipinas at ang lyrics ng ating pambansang awit.

Lito hindi pa limot ng fans

Feel ni Lito Lapid na makipag-bonding sila ng kanyang anak na si Mark Lapid sa mga miyembro ng entertainment press dahil sa mga kakandidato sa midterm elections, sila na lang ang hindi nakikipagtsikahan.

Mabuti naman, sa tulong ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, kilala pa rin si Lito ng mga botante at ramdam na ramdam ng mga kababayan natin ang kanyang presence kaya hindi kataka-taka na mataas ang rating niya sa mga survey para sa mga senatoriable.

Mabait na tao si Lito Lapid kaya hindi siya nakakalimutan ng mga kasamahan niya sa showbiz. Hindi nawawala ang pagmamahal sa kanya ng mga kasamahan niya sa entertainment industry.

Looking forward ako sa kuwentuhan with Lito dahil matagal-tagal na rin na hindi kami nagkikita. See you soon Lito.

Bong at Lani nakipagkantahan sa birthday ni Jinggoy

Who’s who sa showbiz at pulitika ang mga bisita sa birthday asalto para kay former Senator Jinggoy Estrada.

Kahapon, February 17, ang actual birthday ni Jinggoy pero nag-celebrate siya noong Sabado.

Siyempre, hindi puwedeng mawala sa birthday party ni Jinggoy ang kanyang mga magulang, sina Manila City Mayor Joseph Estrada at Dra. Loi Ejercito, pati na ang kanyang misis na si Precy at ang kanilang mga anak.

Dumating din si Senator Manny Pacquiao at si Bong Revilla.

Mahilig kumanta si Papa Manny kaya kumanta siya sa birthday ni Jinggoy. May song number din si Bong at ang misis nito, si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Hindi puwedeng ma-miss ni Bong ang birthday celebration ni Jinggoy dahil sa loob ng apat na taon, sila ang magkakosa sa PNP Custodial Center ng Camp Crame. After four years, first time na umapir si Bong sa birthday party ni Jinggoy sa labas ng Camp Crame.

Hindi lang mag-BFF sina Bong at Jinggoy dahil parang magkapatid na rin ang turingan nila sa isa’t-isa. I’m sure, mas parang magkapatid ang relasyon nina Bong at Jinggoy kesa sa relasyon nito sa half-brother na si Senator JV Ejercito.

JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with