^

PSN Showbiz

Young actor gustong balutan ng kumot ang GF pag kasama sa labas

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Utak nilalason ng selos

Hindi nawawala ang selosan sa magkarelasyon. Tanda ‘yun ng pagmamahal. Gusto lang ipaunawa ng nagseselos na walang ibang dapat mahalin ang kanyang karelasyon kundi siya lang.

Pero paano kung wala na sa hulog ang pagseselos? Paano kung kahit langgam na nakapantalon ay puwede nang pagselosan? Pagmamahal pa rin kaya ang ibig sabihin ng ganu’n.

Nasa ganu’ng sitwasyon ngayon ang isang young actress at ang karelasyon nitong young actor. Walang ibang pinag-uugatan ang kanilang mga away kundi selos.

Kuwento ng aming source, “Sobrang seloso si ____(pangalan ng young actor na pinapalakpakan ang husay sa pagganap). Wala siyang tiwala sa sarili niya. Kapos na kapos siya sa paniniwala sa sarili niya.

“Konting bagay lang, e, nagseselos na agad siya. Hindi lang niya makontak ang girlfriend niya, e, nilalason na ang utak niya na baka may ibang kinakausap.

“Actually, siya ang may problema. Sobrang insecure siya, walang-wala siyang believe sa sarili niya, kaya siya ganyan,” simulang kuwento ng aming source.

Maganda kasi ang young actress, alam ng young actor na maraming kakontemporaryo nila ang may crush sa girlfriend niya, kaya lahat na lang ay may kakaibang kahulugan para sa kanya.

“Kasalanan ba nu’ng girl kung maganda siya? Ano naman ang kasalanan nu’ng girlfriend niya kung maraming nagkakagusto du’n as tao, e, ang ganda-ganda nga?

“Kapag lumalabas sila, e, nakakailang bihis ba ang girl? Conservative kasi ang young actor, matandang tao siya, hindi puwede sa kanya ang mga damit na lantad ang flesh ng girl.

“Kung puwede lang siguro niyang balutin ng kumot ang girlfriend niya kapag lumalabas sila, e, ganu’n na ang ginawa niya! Napaka-insecure talaga niya!

“Siya ang nagdududa sa capacity niya, kaya siya ganu’n, pero ang girl ang hinihigpitan niya. Ginagawa na lang tuloy na pambahay ng girl ang mga damit niyang medyo mababa ang tabas.

“Ayaw nga kasi ng young actor na may ibang nakakakita sa katawan ng girl. Naku, ‘no! Buti naman sana kung may boobey ang girl na ipapakita! Tantanan na niya ang pagiging seloso, baka one day, e, masakal sa kanya ang girl at magbabu!

“Joshko! Huwag naman sanang mangyari ang ganu’n!” na­pa­­ka­­diing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Take It... Per Minute aarangkada na!

Pagpitada ng alas dose sa Martes, bukas na mismo, ay may bago kayong makakasabay sa pananghalian na kung sinigang ang ulam n’yo ay siguradong mas aasim at mas sasarap.

Take It… Per Minute! Sa pinakaunang pagkakataon mula nang ipanganak ang mga talk shows ay ngayon lang kami magkakasama ni Manay Lolit Solis sa isang programang tatalakay sa maiinit na kaganapan sa showbiz.

Palagi kaming magkalaban sa oras, nasa GMA-7 siya at kami nama’y nasa ABS-CBN, ngayon lang talaga kami magkakapit-bisig para itawid sa publiko ang mga latest na kuwento tungkol sa mga artista.

?Ano nga kaya ang magaganap sa isang oras naming pagbabad ng kuwentuhan sa Take It… Per Minute? Walang ipinagkaiba ang tabas ng aming mga dila. Diretso kung diretso, kailangang umilag na lang ang mga personalidad na mahahagip namin sa pagkokomento, ganu’n mismo ang naiimadyin naming kalalabasan ng aming talk show.

Hindi kasi uso sa amin ni Manay Lolit ang pagtatago ng alas, kung ano ang totoo ay ‘yun ang sinasabi-sinusulat namin, batu-bato na lang sa langit at ang tatamaan ay siguradong mabubukulan.

Ang aming patnugot na si Salve Asis ang mas excited sa talk show na ito. Wala raw commercial ang Take It… Per Minute, isang oras daw kaming magbibigay ng mga balita at opinyon, sabi ni Salve.

Susukuan ba namin ni Manay Lolita ng ibinibigay na challenge ni Salve? Kami pa? Umaga pa lang ay maasim na sampalok na ang kinakain namin ni Manay Lolit, asim na kontrolado naman namin, kaya ang mga artistang nadidiin sa kontrobersiya nang walang dahilan ay puwede naming sagipin.

Wala po kayong gagawin kundi ang i-like at i-follow lang ang PSN (Pilipino Star NGAYON) Facebook page, alas dose nang tanghali ang ating date mula bukas, isang oras na kuwentuhan at balitaktakan ang inyong matutunghayan sa Take It… Per Minute!

Bubulabugin namin ang social media, ang mga balitang lalabas pa lang ay uunahan na namin, palagi kayong una sa Take It… Per Minute!

Kitakits bukas!

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with