Anne at Erwan
Anne ginawang ‘koreano’ ang mister na si Erwan
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas naging cute si Erwan Heussaff sa kanyang bagong ‘hairdo.’ Mala-Korean actor na kasi ang hitsura ng mister ni Anne Curtis ngayon matapos utusan ni Anne na magpagupit kasama si Ryan Bang.

Super K drama fan si Anne na tino-tolerate ng kanyang mister.

Sa kanyang blog ay makikita ang Korean hairstyle ni Erwan na parang si Park Bo-gum sa kanyang latest K drama series na Encounter.

Anyway, sa brithday presentation nga pala ni Anne kahapon sa Showtime tagos ang kilig niya ma­tapos mapanood ang video greetings ng English singer na si Dua Lipa. Nauna na siyang kinilig sa concert ng Blackpink sa MOA.

Hindi nga kumukupas  ang pagka-K fan ni Anne.

Ang hindi na ngayon nagpaparamdam ng kanyang pagkabaliw sa Korean drama ay si Sharon Cuneta.

Aktres kumita ng P8 Million sa partylist

Kaaliw ang IG post nina Senator JV Ejercito and Sen. Sonny Angara na sila ang nag-date last Valentine. Nasa kampanya raw sila sa Bulacan nung Heart’s Day so kumain na lang sila sa isang fastfood. “This is how we spent our Valentine’s Day! Late dinner with @sonnyangara after the campaign sorties for today,” sabi ni Sen. JV.

Paspasan na kasi ang kampanya ng mga kumakandidato ngayon. Nag-umpisa ang official campaign period last Tuesday at in all fairness marami ring artista ang abala sa pangangampanya bilang kinontrata sila ng ibang mga kandidato. Particular na  maraming laman ang bulsa ang mga komedyanteng hindi masyadong in demand sa pelikula dahil sila ang nagiging buhay ng kampanya.

Pero kabog sila sa isang actress/TV host na naningil ng P8 million para sa isang endorsement sa Partylist. Yup, tumataginting diumanong P8 million ang siningil ni actress/TV host.

Kaya asahan ninyo na magiging visible siya sa pangangampanya sa isang partylist.

Pero tumanggi raw naman ang isang singer na mag-endorse ng pulitiko. Hindi niya raw type ayon sa isang source.

ANNE CURTIS ERWAN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with