Julie Anne
Julie Anne inilantad ang katawan!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

Marami ang nagulat sa mga sexy shots ni Julie Anne San Jose na ipinost niya sa kanyang Instagram account kahapon ng umaga.

Lalong sumeksi ang Asia’s Pop Sweetheart sa mga kuha niyang iyun sa Dakak Beach Resort.

Kaagad pinik-up ng ilang bloggers, at kahit sa radio namin sa DZRH ay ibinalita nila ito. Ilang araw lang naman nagbakasyon doon si Julie Anne, pero hindi sinabi sa amin kung sino ang mga kasama.

Kamakalawa ng gabi lang siya dumating, at sabak na kaagad siya sa recording.

Pero ang isa sa inaasahang pagkakaabalahan ni Julie Anne ay mga imbitasyon ng ilang pulitiko sa mga sorties nila. Ang dami ngang kumukuha sa kanya, pero medyo maingat lang ang singer/actress sa mga tinatanggap niya dahil entertainment lang naman ang sa kanya, at hindi siya puwedeng mag-endorse ng kandidato.

Pero ang dinig kong isa sa talagang interesado sa kanya ay si Je­remy Marquez na tumatakbong Vice Mayor ng Parañaque. Crush daw nito si Julie Anne, dahil naseksihan siya sa mga nakikita niya sa social media, at magaling daw mag-perform sa Studio 7.

Kaagad namang ipinost ito ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account na ikinagalit ng mga fans ni Julie Anne. Feeling yata nila gagamitin lang ni Jeremy sa kanyang pagtakbo. “Nahihiya naman ako, kasi interesado lang naman ako na imbitahin siya sa ibang events ko, nagagalit na ang mga fans sa akin,” pahayag ni Jeremy nang nakausap namin sa phone kamakailan lang.

Totoong naseksihan daw siya kay Julie Anne, at interesado siyang magkakilala sila, pero hanggang dun lang muna. Parang unfair nga namang pagbintangan agad si Jeremy na ginagamit lang si Julie Anne.

Mga gustong sumali sa MMFF 2019 pinaghahanda na

Isa sa ipinarating ng MMDA Chairman Danny Lim sa Appreciation Dinner ng Metro Manila Film Festival na ginanap sa Sampaguita Gardens kamakalawa ng gabi ay sana simulan na raw ngayon ng mga producer ang pagbuo ng magandang material na isa-submit sa MMFF 2019.

Ang lungsod ng Taguig ang host ng MMFF 2019 na nasa 45th year na at kasabay nito ay ang Centennial cele­bration ng Philippine Cinema. Kaya inaasahan ang mga magaganda at malalaking pelikulang isasali, at malalaking artista ang involved.

Ngayon pa lang ay may naririnig na kaming balak daw gawin ng Star Cinema ang remake ng Tatay Kong Nanay ni Dolphy at si Vice Ganda ang gaganap.

Magiging active raw uli ang GMA Films at meron din daw silang isa-submit.

Malamang na sasali na rin ang dating Sen. Bong Revilla, at meron pang isang ginagawang fantasy si direk Peque Gallaga na Magikland.

Kaya sa mga producer na gustong sumali, narito ang schedule ng submission of entries.

Ang deadline ng pagpapadala ng Letter of Intent ay not later than 5:00 pm ng April 1 (Monday).

Ang pag-submit naman ng script at iba pang required documents ay not later than 5:00 pm ng May 31 (Friday).

Ang announcement ng apat na official script entries ay sa July 5 (Friday).

Sa finished films naman at iba pang requirements ay not later than 5:00 pm ng September 2 ang deadline sa early birds ay sa September 20 (Friday) ang regular submission.

Ang announcement ng apat na official fi­nished films entries ay sa October 19.

Para naman sa Student Short Films, ang letter of intent ay not later than 5:00 pm ng April 30 ang deadline.

Ang submission of script ay not later than 5:00 pm ng July 15, at ang announcement ng 16 selected scripts ay sa July 30.

Sana nga ay mga ‘the best’ talaga ng mga producer ang maipapasa sa MMFF 2019, at inaasahang mabi-break nito ang naitalang boxoffice record ng nakaraang filmfest na umabot ng P1.6-B.

JULIE ANNE SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with