Catriona
Homecoming ni Catriona ‘di nailihim
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

SEEN: Ngayong araw ang 56th birthday ni former Senator Jinggoy Estrada na muling kakandidato bilang senador sa midterm elections sa May 2019. Ginanap kagabi ang birthday party ni Jinggoy sa EMAR Suites, ang building na pag-aari ng Estrada family.

SCENE: Hindi nailihim sa publiko ang pagbabalik-Pilipinas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray noong Biyernes ng gabi dahil nakunan ng mga pasahero ng video at litrato ang pagdating niya sa NAIA. Bumalik siya sa Pilipinas para sa kanyang homecoming parade sa February 21 at  23, 2019. Nabawasan ang impact ng hinihintay na homecoming parade niya dahil umuwi siya ng bansa matapos koronahan bilang Miss Universe noong December  sa Bangkok.

SCENE: Ngayon ang huling araw ng Bakery Fair 2019 ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc.na nagsimula noong February 15 sa World Trade Cen­ter. Added attraction ang sculpted cake ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

SEEN: Magiging active na uli si Michael V. sa paggawa ng pelikula na sumulat ng script at direktor ng pelikula na siya rin ang bida. Matagal nang hindi nagbibida si Michael V.

SCENE: Pipirma bukas, February 18, ng exclusive contract si Coleen Garcia sa Viva Artists Agency na namamahala rin sa career ng kanyang asawa na si Billy Crawford. Former contract star si Coleen ng Star Magic.

SEEN: Engkanto ang role ni Mike Tan sa Kara Mia. Ginaw na ginaw si Mike sa grand presscon ng Kara Mia dahil in character at topless siya. Bukas, February 18, ang pilot telecast ng Kara Mia sa GMA 7.

SCENE: Ang pasasalamat ni Dingdong Dantes at ng cast ng Cain at Abel sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang action drama series sa GMA 7 na nagwakas noong Biyernes, February 15.

SEEN: This Yaya is Mine ang episode title ng Dear Uge na mapapanood ngayong hapon sa GMA 7. Sina Gelli de Belen at Kakai Bautista ang featured guests sa Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with