Direktor isinusumpa na ng mga artista sa sobrang pagmumura
Direktor isinusumpa na ng mga artista sa sobrang pagmumura
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

Dalawang direktor, isang babae at isang beki, ang sinasabing parang ngumunguya lang ng bubble gum kung makapagmura sa set ng ginagawa nilang proyekto.

Bigla na lang aalingawngaw ang kanilang boses, mura nang mura, na ikinaaalibadbad ng mga nasa paligid. Ninenerbiyos tuloy ang mga artista, lalo na ang mga baguhan pa lang, dahil tunay namang nakakatakot ang makakita-makarinig ng direktor na akala mo umiinom lang ng kape kung makapagmura.

May isang young actress na sumusumpang kahit bayaran pa siya nang ilang milyon ay hindi niya tatanggapin ang alok kung magdidirek sa kanya ay ang babaeng direktor na napakahilig magmura.

Kuwento ng aming source, “Naranasan na kasi niyang mura-murahin siya ng direktor na ‘yun, kaya ang decision niya, hindi bale nang wala siyang maging trabaho kung ang palamurang direktor namang ‘yun ang makakasama niya.

“E, hindi naman magugutom ‘yung young female personality kung wala siyang trabaho, kaya naman siyang pakainin ng pamilya niya, kaya malakas ang loob niyang magsalita!” sabi ng aming source.

Kailan lang ay napabalita na umalis nang walang paalam sa taping ang bumibida sa serye, walkout ang konklusyon ng mas nakararami sa kanyang ginawa, ang madalas na pagmumura ng kanilang direktor ang itinuturong dahilan ng kanyang pag-alis sa set.

Kuwento ng isang source, “Nakakairita naman kasi talaga kapag mura nang mura ang kahit sino. Pangit sa pandinig. Pati ang atake ng artista, e, nasisira kapag ganu’n.

“Bakit kasi magmumura pa kung puwede namang sabihin ang idea niya sa maayos na paraan? Kahit pa sabihing gusto lang naman niyang maging maayos ang flow ng work, mali pa rin ang pagmumura!

“E, siguro, hindi na kinaya nu’ng bumibida sa serye ang mga naririnig niya, nabubuwisit na siya, kaya para hindi na lang sila magkaroon ng encounter ng director, e, nagpalamig na lang muna siya sa ibang lugar!

“E, di ba, ‘yun din ang direktor na inireklamo nu’n ng isang sexy actress? Hindi pa ba siya nadadala sa nangyari nu’n? Gaano man kagaling ang direktor, kung ganu’n naman na mura nang mura, marami talagang mabubuwisit sa mga ginagawa niya!

“Kailangan nang kausapin ng network nila ang direktor na ‘yan na akala mo ngumunguya lang ng bubble gum kung makapagmura!

“Huwag nilang dalhin sa trabaho ang nakasanayan na nila, dahil hindi naman lahat ng mga artista at staff and crew, e, makaiintindi sa kanila!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Daniel noon pa may pahaging sa problema ng relasyon nila ni Kathryn

Ayon kay Ogie Narvaez Rodriguez, anak-anakan naming malapit sa Kathniel, ay masasaya raw ang mga tagasuprota ng loveteam dahil hindi totoong nagkakaroon sila ng problema.

Sana nga ay totoo ‘yun, sana nga ay walang pinagdadaanan ngayon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahil tunay na nakapanghihinayang ang mahabang panahong pinagsamahan nila at parehong iningatan.

Pero wala kasing lalabas na mga kuwento kung walang pinag-ugatan. Kahit anong pagtatakip pa ang kanilang gawin ay makakahalata pa rin ang marami sa mga kakaibang nagaganap ngayon sa kanilang relasyon.

Nabigyan tuloy ng kakaibang pakahulugan ang sinabi ni Daniel sa isang interview na masarap lang sa mga unang panahon ang relasyon dahil masaya, pero kapag nagtagal na ay palagi nang nagkakaroon ng mga away, ng hindi pagkakaintindihan.

Ano raw ang ibig sabihin nu’n? Na hindi na masaya si Daniel sa relasyon nila ni Kathryn ngayon? Na parang nagsasawa na ang binata sa kanyang girlfriend?

Lahat ng kanilang mga pahayag ay puwedeng bigyan ng kakaibang interpretasyon, kahit wala namang negatibong ibig sabihin, kaya kailangan nilang mag-ingat sa mga binibitiwan nilang mga salita.

Natural lang naman sa mga nagmamahalan ang pagkakaroon ng problema paminsan-minsan, sabi nga ay kumbinasyon ng tamis at asim ang mas nagpapatibay sa isang relasyon, pero kung meron nga sa pagitan nina DJ at Kath ngayon ay mas maaga sana nilang matagpian ang kung anumang hindi pagkakaintindihang pinagdadaanan nila.

Hindi biro-biro ang pitong taon. Sayang. Nakapanghihinayang.

DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with