^

PSN Showbiz

Sunshine P100k lang ang datung bago nagka-trabaho!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sunshine P100k lang ang datung bago nagka-trabaho!
Macky at Sunshine

Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang mga pinag­da­a­nang pagsubok mula nang maghiwalay sila ng dating asawang si Cesar Montano ilang taon na ang nakalilipas. Natakot ang aktres kung paano maitataguyod ang tatlong anak lalo pa’t kulang na kulang ang kanyang kinikita noon. “I was really scared before, wala akong pera eh. Wala akong naipon, less than a hundred thousand pesos lang ang pera ko sa bangko noon,” bungad ni Sunshine.

“I was really scared kasi sabi sa akin ng ibang tao, ‘Matanda ka na, hindi ka na marunong umarte. Hindi ka naman maganda. You were just a sexy star before,’” dag­ dag pa ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Sunshine sa ABS-CBN dahil muli siyang nabigyan ng mga trabaho mula noong 2013. “Nagkaroon ako ng heartache but at the same time, I’ve proven to myself and to everyone na merong second chance sa buhay at naibigay sa akin ‘yon,” giit ni Sunshine.

Nagsumikap din na makatapos ng kolehiyo ang aktres kasabay ng pagtatrabaho upang ma­ging magandang huwaran sa tatlong anak na babae.

Taong 2017 nang magtapos si Sunshine ng kursong Bachelor of Arts in Psychology. “There was a time na, ‘Ano ba ito? Advice ako nang advice sa mga anak ko na mag-aral, pero ako hindi ako nakatapos ng pag-aaral.’ That is why kahit napakahirap sa akin ang maging isang working single mom, tinapos ko talaga pag-aaral ko. Nag-college ako, pinakita ko sa kanila na it’s never too late for me and para maging inspirasyon din ako para sa mga anak ko,” paliwanag ni Sunshine.

Samantala, tatlong taon na ngayong kasintahan ng aktres si Macky Mathay na kapatid ni Ara Mina.

Winwyn at Mark hindi panget ang hiwalayan

Hindi naging maganda ang Valentine’s Day ni Winwyn Marquez ngayong taon. Kamakailan ay nagkahiwalay ang beauty queen at ang aktor na si Mark Herras bilang magkasintahan. Ayon sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez ay wala namang selosan na nangyari kaya sila nagkahiwalay ng aktor. “Walang third party. It’s a mutual decision and we’re both okay. Naghiwalay kami nang maayos. Walang away, walang third party. Hindi talaga ‘yon ang naging reason,” pagtatapat ni Winwyn.

Sa ngayon ay maayos naman daw ang pakikutungo nina Winwyn at Mark sa isa’t isa.    - Reports from JCC

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with