Matteo forever na si Sarah!
SEEN: Marami ang kinilig sa post-Valentine’s Day message ni Matteo Guidicelli para sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Magkasama na ipinagdiwang ng dalawa ang Araw ng mga Puso. “Celebrating Love with you, you’ve made it feel so special, so new, so fresh. Thank you for your beautiful soul. I love you forever. Happy valentines!! You are the most beautiful, magical human being ever!!”
SCENE: Si Robin Padilla ang special guest sa tatlong gabi na Valentine concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum. Ang Tuwing Umuulan At Kapiling Ka ang duet song nina Regine at Robin sa unang gabi ng concert noong February 14.
SEEN: Ginastusan ng GMA Network Inc. ang set ng Sahaya sa Calatagan, Batangas. Nagtayo ng sariling Badjao community sa Calatagan ang Kapuso Network para sa mga eksena ng upcoming primetime television series nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer. Kumuha rin ng mga consultant na expert sa kultura ng mga Badjao ang GMA-7 para maging pulido ang kuwento ng Sahaya.
SCENE: Si Jasmine Curtis Smith ang gaganap na nanay ni young Sahaya at si Mylene Dizon ang ina ng older Sahaya na gagampanan ni Bianca Umali.
- Latest