^

PSN Showbiz

Diego kailangan ng bagong kaibigan

SANG-SANGANGDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Diego kailangan ng bagong kaibigan
Diego

Para mawala ang depresyon

Sa ABS-CBN ba nag-ugat ang depresyon ni Diego Loyzaga kaya sa pagbabalik niya ay sa ibang network na siya mapapanood?

Baka nga ibang environment at new set of friends ang need niya to completely heal. Let’s all hope na makita niya ito sa bagong pupuntahan niya.

Magaling siyang artista para siya mahirapang makakita ng bagong trabaho.

Joshua nasobrahan  ng pagiging conservative!

Maraming friends ni Julia Barretto ang isa-isa nang nakapagsasalita na nagsisimula nang problemahin ng bff nila ang sobrang pagi­ging konserbatibo ni Joshua Garcia, lalo na pagdating sa pananamit ng aktres.

Sinasabi nila na dapat daw ay maintindihan nito na ang pananamit ng maayos at kung minsan ay may pagka-sexy ay hinihingi ng trabaho nila bilang artista.

Maski naman mga ordinaryong kabataan ay may pagka-revealing ang mga isinusuot ngayon na siya namang uso, ang mga artista pa kaya?

Alam nilang para sa kabutihan ni Julia ang layunin ni Joshua pero, ang pagiging over protective at conservative nito ang maglalagay ng gap sa pagitan ng dalawa.

PBB at Star Hunt pinagsama na!

Maraming Pinoy Big Brother watchers ang nag­rereklamo dahil hindi na naka-focus ang show sa PBB housemates at sa mga aktibidad nila. Umaagaw na rin daw ang Camp Star Hunt ng atensyon na mula sa PBB to the point na 2-in-1 na ang prog­rama, hindi lang PBB.

Bakit hindi na lang daw magkaroon ng separate reality show ang Star Hunt?

Bagong champion sa TNT, ‘di bet ng mga manonood

Sunud-sunod din ang ring ng landline at CP ko habang ginaganap at matapos makapili ng winner sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime kahapon.

Obvious na hindi pabor ang mga tumatawag sa naging hatol ng jud­ges at sa napili nilang winner.

May iba silang bet na feeling nila ay mas magaling, pero lalo silang naguluhan nang talunin ng daily winner ang defending champion. Wala sila sa upuan ng jud­ges pero hindi ibig sabihin na bawal silang magbigay ng opin­yon. Oo nga naman kaya, eto na guys ang mga gusto n’yong ipara­ting.

Mark malungkot uli

Kung naging mas makulay ang Valen­tine’s Day ni Vice Governor Jolo Revilla dahil naka-move on na at nakita na ang kapalit ni Jodi Sta. Maria, sad naman at black ang naging kulay ng February 14 kay Mark Herras dahil sa naging break-up nila ni Winwyn Marquez. Sa tagal nang ipinaghintay niya sa actress turned beauty queen sa hiwalayan din pala sila mauuwi, paano siya hindi malulungkot? Ang maganda sa relasyon nila, ay patuloy pa rin ang friendship nila sa kabila ng malungkot na naganap sa kanila.

Si VG Jolo naman ay proud sa kanyang new girlfriend, ang 1st runner up ng Bb. Pilipinas 2016 na si Angelica Alita. Pati ang pamilya Revilla ay boto sa kanya dahil palagi siyang kasama sa mga aktibidad ng pamilya.

DIEGO LOYZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with