^

PSN Showbiz

Mga player na minahal at nang-iwan sa beki, naiba ang lifestyle!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Walang ipinagkaiba ang mundo ng showbiz, pulitika at palakasan. Paikut-ikot lang ang mga kuwento dahil may mga personalidad sa kanilang hanay na nagiging mag­karelasyon.

Nauugnay ang mga artista sa mga pulitiko, may mga basketbolista ring nali-link ang pangalan sa mga showbiz personalities, pinagpipistahan ang kanilang relasyon.

Punumpuno rin ng intriga at tsismis ang mundo ng palakasan, lalo na ang mga basketball players na nauugnay sa mga beking personalidad, laman sila ng pahayagan at umpukan.

Kuwento ng aming source, “Si Basketball Player A, e, dating karelasyon ng isang sikat na beki. Pero nu’ng unti-unti nang nagkakapangalan ang player, e, bigla niyang iniwang nakanganga ang beki.

“Idinedenay pa nga niyang naging magkarelasyon sila, di ba? Pero paano ang mga taong nakakaalam tungkol sa nakaraan nila, tatahimik na lang ba naman ang mga beking ‘yun?

“Natural, hindi! Pero may iba nang karelasyon ngayon ang basketball player, girl na, madatung na girl! ‘Yun ang babaeng sinasabing nagbayad ng pagkakautang ni Basketball Player A nu’ng malulong siya sa bisyo ng pagsusugal!

“Kung ilandaang milyones kuno ang binayaran ng girl, parolado sa kanyang mga utang ang shooter, nauwi sa relasyon ang pagkakaibigan nila,” unang chika ng aming source.

“Si Basketball Player B naman nu’ng magkaroon ng personal na problema ay pansamantalang nakitira sa bahay ng sikat na beki. Du’n muna siya nagpalipas ng kalungkutan.

“E, di nga ba, masayang-masaya nu’n ang beki dahil palagi silang magkasama ni Basketball Player B? Ipinagluluto kasi siya nu’ng shooter, masarap siyang magluto, kundi nga siya naging basketball player, e, siguradong effective chef siya.

“Kaso, nu’ng naayos na ang problema nu’ng guy, e, bigla na siyang nawala sa buhay ng beki. Nganga rin ang pobreng beki nu’ng magdesisyon nang umuwi ang basketball player na parang ginawa lang pala siyang shock absorber ng kalungkutan ng hitod na ‘yun!

“Kapag nakikita ng mga miron si Basketball Player B na magaganda ang isinusuot na shoes, e, isa lang ang sinasabi nila, talagang nasunod ang layaw niya nu’ng pansamantala siyang na-link sa sikat na beki!

“Nakakalungkot naman, palagi na lang taga­pag-aliw ng mga nalulungkot ang beki, pero siya mismo, e, nalulungkot din sa mga nangyayari sa buhay niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Picture ni Piolo kasama ang isang guwapong kano, photoshopped!

Pinagpipistahan sa social media ang mga retrato ni Piolo Pascual na may katabing Kano na hindi pinangalanan. Ayon sa naglabas ng lara­wan ay karelasyon diumano ng guwapong aktor ang banyagang lalaki.

Pero sa unang tingin pa lang ay malalaman na agad na pinagtabi lang ang picture ni Piolo at ng Kano, photoshopped lang ang lumabas na retrato, fake ‘yun.

Totoong si Piolo ang nasa larawan, mukha at katawan niya, at saka itinabi sa isang banyaga na si­guro nga ay walang kaalam-alam na pinagpipista­han na pala ito dito sa ating bayan.

Maraming naniwala sa lumabas na retrato at sa caption nito. Kaya raw pala nananahimik ang guwapong aktor ay dahil abalang-abala siya sa Kano na katabi niya sa picture.

Pero ang mga may alam tungkol sa teknolohiya ay nagtawa lang, pinagtaasan lang ng kilay ang mga retratong naglabasan, dahil halatang-halata na niretoke lang ang mga pictures.

Kung totoo ang kuwento ay bakit hindi pinangalanan ang katabing Kano ni Piolo? Gagawa na rin lang sila ng istorya, di sana’y kinumpleto na nila ‘yun, para maging kapani-paniwala?

Kahit naman sino ay puwedeng itabi ang retrato sa kahit kanino. Napakabilis na lang gawin nu’n ngayon, ang gagaling ng mga kababayan natin sa pagma-magic, mani-mani na lang para sa kanila ang pagpo-photoshop ngayon.

Ang lumabas na mga retrato ni Piolo na kasama-katabi ang kung sinumang Kanong napulot ng gumawa ay isang malinaw na pagtutulak sa guwapong aktor na mag-out na.

‘Yun lang ang kanilang intensiyon na naiisip namin. Ang ipagtulakan ang guwapong aktor na umamin na sa tunay niyang gender.

Malisyoso!

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with