^

PSN Showbiz

Aktres na mala-anghel ang hitsura selyado na ang relasyon sa tibo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ibang klase ang dating ng isang female personality. Nagkakaedad na siya pero napakalakas pa rin ng karisma niya sa mga bagets. May panghalina ang babaeng personalidad na ito na kanyang-kanya lang.

Mapabeterano at mapabatang aktor ay kaya niyang dalhin, hindi naman siya nang-iimbita, pero kumakaway ang lakas ng dating niya sa mga kalalakihang walang pinipiling edad.

Kuwento ng aming source, “Iba kasi ang ganda niya. Kapag tinitigan ka na ng girl na ito, parang mawawala ka na sa sarili mo. iilan lang ang tulad niya na napakalakas ng panghalina.

“Siya ang type ng mga bagets actors, pero tanungin mo ang mga veteran stars at siya rin ang gustong makaeksena, ganu’n kalakas ang dating ng babaeng ito,” papuri sa female personality ng aming impormante.

Pero nahuli na sa biyahe ang mga batambatang aktor na gustong makarelasyon ang magandang aktres, selyado na siya ngayon, at ang mapalad na personalidad na karelasyon niya ngayon ay isang miyembro ng LGBT community.

“Mismo! Kabog ang mga kalalakihan na matagal nang may gusto sa girl dahil ang kapalitan na niya ng I love you ngayon, e, isang kilalang tivoli director.

“At bakit naman hindi? Kilala si directed by bilang isang martyr na nagmamahal. Dati siyang karelasyon ng isang sikat na komedyana, nagtagal ang relasyon nila.

“At hindi na rin bago ang ganitong klase ng relasyon para sa magandang aktres, nagkaroon na rin siya nu’n ng karelasyong tivoli, kaya maraming kalalakihan ang patakam-takam na lang dahil naisahan sila ng Tung Dynasty.

Kuwento uli ng aming source, “Bukod kasi sa pretty na ang girl, e, masarap pa siyang magmahal. Hindi rin siya malikot, isa lang kung isa kung makipagrelayon siya.

“Angelic kaya ang hitsura niya, di ba? Para siyang anghel na bumaba sa lupa kaya naging glorious ang mundo ng mga kalalakihan d’yan.

“Sila na ngayon ni direk, hindi nila dinadala sa set ang emosyon nila, trabaho kung trabaho lang dahil pagkatapos naman ng work, e, kanilang-kanila na ang mundo,” kinikilig na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jinggoy at Bong parang pinaglaruan lang ng kapalaran!

Ibang klaseng maglaro ang kapalaran. Ilang taon na limitado lang ang ginagalawan-iniikutan nina dating Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla.

Maliit lang ang PNP Custodial Center, kapag nagkakasabay-sabay nga ang kanilang mga dalaw ay parang sardinas na sa lata sa pagsisiksikan, ilang taon na ganu’n ang naging kalakaran ng kanilang buhay nang mapiit sila.

Pero baligtad na ang sitwasyon ngayon, abalang-abala na ang magkaibigang pulitiko sa pag-iikot sa maraming probinsiya dahil tuloy ang kanilang laban para muling makakuha ng upuan sa Senado, malawak na ang mundong ipinagdamot sa kanila nu’n.

At nagpapasalamat ang magkaibigan dahil napakainit pa rin ng pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin, parang walang nangyari, parang hindi sila pinag-initan nu’n ng mga kapwa nila pulitikong nagdiin sa kanila para makulong.

Nang-agaw ng atensiyon ang nangyari nu’ng unang araw ng kampanyang nasyonal, nagkasama sa isang entablado sa Pampanga sina dating Senador Jinggoy at Senador JV Ejercito, nagbunyi ang mga kababayan natin nang itaas ng mas nakatatandang pulitiko ang kamay ng kanyang kapatid sa ama.

Sabi ng aming kaibigan, “Touched na touched ako sa napanood ko sa news. Kinuha ni Senator Jinggoy ang kamay ni Senator JV, saka itinaas. Ang buong akala ko kasi, e, hindi sila magpapansinan dahil ‘di ba, parang kailan lang, e, binibira pa ni Senator JV ang kuya niya?” tuwang-tuwang reaksiyon ng aming kausap.

Halos wala nang pahinga ngayon sina dating Senador Jinggoy at former Senator Bong dahil limitado lang ang kanilang panahon para makapanligaw ng boto ng ating mga kababayan.

Maraming umaasa at naniniwala na ngayon pa lang nila aanihin ang bunga ng kanilang mga sakripisyo nang makulong sila.

Kung ang mainit na pagtanggap at higpit ng mga yakap na tinatanggap ngayon ng magkaibigang senador ang magiging barometro ay may nakalaan nang dalawang upuan ngayon sa Senado para sa kanila.

vuukle comment

BONG REVILLA

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with