LT
LT pasok na sa probinsyano
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Pasok na sa Ang Probinsyano si Ms. Lorna Tolentino.

Yup, isa siya sa character na madadag­dag sa long running teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin matapos ngang magbabu ang maraming character dahil sa pagkandidato nila.

Huling napanood si LT sa Asintado starring Julia Montes na hanggang ngayon ay nasa Germany pa umano dahil naghihintay ng kanyang  dual citizenship though may rumor nga ‘di ba na preggy nga siya na wala naman maipakitang ebidensiya ang mga nagbibintang. Sinasabi pang si Coco ang tatay ng magiging anak diumano ng young actress.

Going back to LT, narinig kong mahaba ang magiging role ni LT sa AP dahil ‘financier’ ang magiging character niya.

Paano na ang pelikulang tagalog? ,Bayad sa mga sinehan magmamahal pa nga ba…

True kayang magdadagdag pa ng singil ang mga sinehan?

Ang dating P250 to P300  diumano ay magiging P400 na sa isang ordinaryong theaters ito ha?

Wow. Paano pa maa-afford ng mga ordinary people ang panonood ng sine kung magdadagdag pa sila ng bayad?

Ngayon nga almost P300 lang, nagkukuripot at tinatamad na ang maraming magbayad, ngayong magmamahal pa.

Ano bang nangyayari?

Sana nga magawan ng paraan na maibaba ang singil sa mga sine para naman magkaroon ng tao ang mga sinehan.

Not so in demand actress mabango sa mga pulitiko

From one politician to another politician pala ang ‘lovelife’ ng isang young actress na tatahi-tahimik lang.

Ayon sa source, malakas ang appeal ni young actress sa mga pulitikong mahilig sa artista.

Controversial politician ang naunang karelasyon ni not so in demand actress na naging financier pa raw ng ginawa niyang pelikula.

Pero hindi raw nagtagal ang relasyon nila at napunta uli ito sa isa pang pulitiko   kaya hayahay na naman ang buhay nito hanggang ngayon.

Hindi masyadong maingay ang career ng actress pero mautak daw ito pagdating sa ‘lovelife.’

COCO MARTIN LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with