Heart at Jamie
Singaporean socialite na may pinaka-maraming Hermes nakipag-tea kay Heart
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Nag-tea tsikahan sina Heart Evangelista at ang Singaporean socialite na si Jamie Chua base sa IG post ni Heart the other day.

Si Jamie ang sosyalerang Singaporean na isa sa may pinakamara­ming collection ng Hermes bag - more than 200 Hermes bag - sa buong mundo. “Afternoon tea with @ec24m. It was so lovely to see you,” caption ni Heart sa photo nila together na kasalukuyang nasa Singapore para sa sini-shoot niyang movie na hindi pa rin niya binabanggit kung anong title.

Nag-viral ang video ni Jamie Chua nang ipakita niya ang mga mamahalin niyang kagamitan, mula sa bag, sapatos, mga damit, as in hindi ka lang maglalaway. Siya ang sinasabing real Crazy Rich Asian. Meron si Ms. Chua na 700-square foot wardrobe space na puno ng designer goods.

Nauna nang sinabi ng Singaporean writer na si Kevin Kwan na si Heart ang real Crazy Rich Asian. 

HEART EVANGELISTA JAMIE CHUA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with