JM
JM
JM, Tuyot ang V day
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Walang makaka-date si JM de Guzman bukas para ipagdiwang ang Va­lentine’s day.

Ayon sa aktor ay puro trabaho muna ang kanyang iniintindi sa ngayon at wala pang panahon muli sa buhay pag-ibig. “’Yung mga blessings ngayon na binibigay sa akin, kailangan ko muna sigurong pagtuunan ng pansin. At maibigay ko ‘yung 100% focus ko to reach my goals for my fami­ly, for myself. ‘Yon muna siguro,”  bungad ni JM.

Malapit nang matapos ang pelikulang Last Fool Show kung saan ay nakatambal ng aktor si Arci Muñoz. “It’s a comedy, rom-com (romantic-comedy). It’s a parody rom-com. It’s a movie within a movie, gano’n,” paglalarawan ni JM. 

Samantala, ang aktor din ang kumanta ng theme song ng pelikulang Alone/Together na 214 na pinasikat noon ng bandang Rivermaya. Masayang-masaya si JM dahil ipinagkatiwala sa kanya ang sikat na kanta para sa nasabing proyektong pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. “Grabe ‘yung process no’n. ‘Yung una, sobrang mas­yadong emosyonal. Pinapakinggan ko lang sa headphones ng mga tatlong oras, palakad-lakad lang ako. Tinext ko si Sir Jonathan (Manalo ng Star Music), ‘Parang masyado siyang rough and emotional, tulungan mo ako para maging rom-com siya or something.’ So inulit namin, tinimpla namin nang maayos ‘yung emosyon. Sobrang masaya ako kasi kinanta mo ‘yung kanta na ‘yon. Baka magalit   ‘yung fans ng Rivermaya,”  nakangiting paha­yag ng binata.

Bela digital star na rin

Nakapagsulat na rin ng script si Bela Padilla para sa digital film na Apple of My Eye na pinagbibidahan nina Marco Gumabao at Krystal Reyes. Mapapanood na simula bukas ang nasabing pelikula sa iWant. “This story I pitched it first before I wrote. Inimbitahan lang kami to pitch concepts sa digital team. Tapos no’ng na-approve ito at saka ‘yung isang concept, saka ko lang siya sinulat,” kuwento ni Bela.

Ayon sa aktres ay kakaibang atake ang ginawa niya sa kwento ng bagong digital film upang mas maengganyo pa ang mga manonood na tangkilikin ito. “I think ang difference sa lahat ng digital shows and movies, kasi kapag sinabing digital automatic sinasagad eh, sagad sa sexy or violence. Lahat kasi pwede mo ilabas sa digital. But this is so different and we purposely made it this way. Para makita ng mga tao na digital can offer a lot of things especially Dreamscape digital na nag-produce sila ng something light and fresh. Kasi minsan love stories don’t always have to be so complicated. It can be light and simple, feel good,” paliwanag ni Bela.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with