JV at Jinggoy
Michael Varcas
JV Ejercito at Jinggoy Estrada nagkaayos sa rally!
(Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

SEEN: Marami ang hindi nakakaalam na magkapatid sa ama sina Armida Siguion-Reyna at former Senator Juan Ponce Enrile. Nalaman lang ang katotohanan nang maglabas ng official statement si Enrile tungkol sa pagpanaw ng kapatid niya dahil sa colon cancer na tiyak na hindi na magiging masaya ang pagdiriwang ng  95th birthday  bukas, February 14.

SEEN: Ang Facebook post ni Bibeth Orteza tungkol sa memorial service para sa kanyang mother in-law, ang ina ng asawa niya, ang direktor na si Carlos Siguion Reyna:

“It is with deep sorrow to inform you of the death of our beloved mother and grandmother, Armida Siguion-Reyna.

“We will be holding a memorial service at the Heritage Memorial Park from February 12, Tuesday, 6pm until February 15, Friday, 11pm. Please join us in celebrating her life. We request you bring your thoughts, prayers and fondest memories of Armida.”

SCENE: Sa February 27, 2019 ang playdate sa mga sinehan ng Pamilya Blandina, ang comedy movie na pinagbibidahan nina Karla Estrada, Marco Gallo at Xia Vigor. Si Jerry Sineneng ang direktor ng Pamilya Blandina.

SEEN: Binigyan si Lito Lapid ng importansya at grand exit sa Monday night episode ng FPJ’s Ang Probinsyano. 

SCENE: Itinaas nina Senator JV Ejercito at former Senator Jinggoy Estrada ang kamay ng isa’t isa sa kick off kahapon sa San Fernando, Pampanga ng kampanya ng mga senatoriable na sinusuportahan ng Hugpong Ng Pagbabago, ang regional party na itinatag ni Davao City Mayor Sara Duterte. Marami ang natuwa sa pagkakasundo ng half-brothers na matagal nang napapabalita na may hidwaan.

SCENE: Gugunitain ngayon ng naulilang pamilya ni Rico Puno ang 66th birth anniversary niya. Pumanaw noong October 30, 2018 ang singer na kinikilala bilang OPM King.

JINGGOY ESTRADA JV EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with