AiAi
AiAi delas Alas walang planong tantanan si Jennifer Lopez
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Natawa si AiAi delas Alas nang tanungin ko kung titigil ba siya sa kagagaya kay Jennifer Lopez, kapag mag-react na ito sa mga post niya sa Instagram.

“Hindi naman! Wala lang ako magawa eh.

“Basta idol ko lang kasi si JLo forever,” pakli ni AiAi.

Sabi niya kasi dati sa presscon ng Valentine concert nilang Hitmakers and Ai, naaliw lang daw siyang gayahin si JLo at hopia raw siya na mag-react ang seksing international singer/actress.

Pero nilinaw ni AiAi na walang photoshop sa mga pinu-post niya. Aligaga ngayon si AiAi sa pagri-rehearse ng Valentine concert niya kasama ang mga Hitmakers na sina Rey Valera, Hajji Alejandro at Marco Sison.

Sa February 15 ang concert nila sa Newport Perfor­ming Arts Theater ng Resorts World Manila. Kaya iyun na rin daw ang celebration nila ng asawa niyang si Gerald Sibayan ng Valentine’s Day.

Biboy Ramirez minulto sa UP

Ipinost ni Biboy Ramirez sa kanyang Instagram account kamakalawa ng umaga ang nakunan daw niyang multo sa may UP Diliman habang nagdya-jogging siya.

Ang caption niya sa post na iyun; “UP night run and a ghost crossing the pedestrian lane. LEGIT.”

Kinunan daw niya iyun nung nakaupo siya at nagpapahinga, dahil konti na ang mga tao.

May curfew daw pala roon kaya pinaalis na siya ng security guard.

Nagulat siya nang nakita niya ang kuhang iyun, kaya ipinost niya ito.

Ang daming nag-react na mga follower niya dahil kitang-kita ang anino na hugis tao na parang walang ulo na tumatawid sa may kalsada, na dumadaan pa sa pedestrian lane.

Marami naman talagang mga multo stories diyan sa UP na madalas ay mga jogger  ang pinapakitaan.

Tamang-tama nang ipinost ni Biboy iyun kamakalawa lang kasabay pala sa pagdiriwang ng UP Diliman ang Lakad Gunita Themed Walking Tours na in-organize ng UP Asian Institute of Tourism.

Kahit nagluluksa sa ina, Joey ‘di pa rin nakakalimot magpatawa

Kitang-kita naming na-miss ni Tito Joey de Leon si Manay Lolit Solis nang magkita sila sa burol ng ina ng Eat Bulaga host na si Mrs. Emma de Leon.

Kahit nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ina, panay pa rin ang biro ni Tito Joey at panay ang kantiyaw niya kay Manay Lolit.

Pagpasok niya sa funeral chapel ng Arlington, nakita niya agad si Manay Lolit at bati niya; “nag-shower ka na ba?”

Iyung madalas na biro at pagpi-playtime niya sa co-host nung magkasama sila sa Startalk, iyun pa rin ang ginagawa niya nang magkita sila sa burol kahapon.

Maya-maya, dumating si Kuya Ricky Lo kasama si Tita Aster Amoyo, kaya sina Butch Francisco at Heart Evangelista na lang ang kulang, reunion na sana nilang Startalk hosts.

Nabanggit din ni Tito Joey na tinawagan pa raw siya ni direk Bibeth Orteza na pupunta na raw sana sila sa burol ng Mama Emma niya, pero hindi na sila natuloy dahil nga sa pumanaw na rin si Tita Armida Siguion-Reyna.

Kaya sabi na lang daw ni Tito Joey sa kanya, “Oh it’s a tie!”

Mahal daw ang pagkabili niya sa Hongkong para sa kanyang ina na mahilig ding maglaro ng Mahjong.

Bukas sa Valentine’s Day na ililibing ang Mama Emma ni Tito Joey sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with