Kris
Kris malabong ma-dethrone!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

Happy birthday Tetay! Birthday ni Kris Aquino sa February 14 at sana birthday gift sa kanya ni God ang good health at peace of mind.

Actually, Hindi ako maniniwala na broken spirit or feeling down si Kris na fragile looking at medyo may kaartehan pero matibay siya.

‘Yung mga problema niya ngayon, except siguro sa health ay kaya niya na dalhin. Frustrated lang siya dahil hindi niya magawa mga gustong gawin tungkol sa kanyang showbiz career pero buwelo at ­timing lang ang kailangan, andiyan na naman siya and I will bet on that.

Si Kris is showbiz itself. Siya na mismo ang showbiz. Alam na alam niya how to get into the maze and come out without a scratch.

One of these days magulat na lang tayo, busy na naman siya sa showbiz, queen na naman siya. Mahirap i-dethrone ang Kris Aquino, sobrang higpit ng glue na nakadikit sa crown na suot niya, ha ha ha!

Happy birthday Kris, don’t mind the ‘mean sisters’ este slip of the tongue lang po, sorry po. Go go Tetay!

Jeremy matagal nang target si Julie Anne!

May crush yata si Jeremy Marquez kay Julie Anne San Jose dahil panay ang inquire niya kay Gorgy Rula para sa pagkanta ng singer-actress sa kanyang mga campaign rally.

Noon pa pala crush na ni Jeremy si Julie Anne kaya lang, hindi pa sila nagmi-meet nang personal.

Eh nabalitaan ni Jeremy na break na si Julie Anne at Benjamin Alves kaya type niya siguro na pasukan ang dalaga.

Loveless din si Jeremy ngayon kaya malay natin, magtagpo ang kanilang mga landas. Bongga, tagumpay ang Gorgy sa pagiging matchmaker ha?

Sabagay mabait naman na boyfriend si Jeremy at kailangan ng sex appeal niya para lalong bongga si Julie Anne.

Heto na, baka si Jeremy na ang hinanahanap na ‘it’ sa personalidad ni Julie Anne. Bilisan mo Gorgy, gawa ka na ng date nina Jeremy at Julie Anne.

‘Huwag magpaapi sa sariling bayan!’

Nakakainis ang mga balita tungkol sa isang Chinese na babae na tinapunan ng taho ang pulis na nagbabantay sa MRT.

Kainis ‘di ba? Imagine, hindi natin kapwa Pilipino tapos ganoon ang trato sa kababayan natin?

Parang bahay ng mga Pilipino ang ating bansa. Atin ito, tapos isang taga-ibang lugar babastusin tayo?

‘Yan ang madalas ko ikainis kapag kumukuha ng visa sa mga embassy. Kung minsan, suplada ang mga tao sa embassy. Kung sa pagkuha pa lang ng visa, ganoon na ang trato sa mga Pilipino, dapat nang mag-isip kung talagang gusto natin na puntahan ang kanilang bansa.

Bakit ganoon? Nandito sila sa bayan natin, sila pa ang malalakas ang loob na magtaray.

Huwag tayong pumayag na apihin at bastusin sa sariling bayan natin. Dapat na igalang tayo. No one should be above us in our own land.

Paano ka pupunta sa ibang lugar kung mismo dito sa bayan natin, pumapayag tayo na magpaapi?

Igalang natin ang mga sarili, huwag tayong papayag na tapak-tapakan tayo. Sinusunod natin ang mga batas sa ibang bansa kaya dapat na sundin din nila ang mga batas sa Pilipinas.

Ang tapang ng Presidente Rodrigo Duterte natin na magsalita laban sa Europeans at Americans kaya dapat matapang din tayo, stand by our pride.

Hindi porke ‘Pinoy na sinasabi nila na madalas domestic helper lang, aapihin na? Dapat tigasin ka rin no!

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with