^

PSN Showbiz

Liza at Enrique dalawang taon nang magdyowa!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Liza at Enrique dalawang taon nang magdyowa!
LizQuen

Makapagmamalaki na naman si Vice Ganda dahil siya ang unang nakapagpaamin sa LizQuen ng estado ng kanilang relasyon.

Nabigla yata niya si Liza Soberano kaya pati ang manager nito na si Ogie Diaz na kabilang sa audience ay wala nang nagawa kung hindi ang mapangiti na lamang, kahit pa nung aminin ng alaga niya na dalawang taon na sila ni Enrique Gil na nagsimula sa buwan ng October, may da­la­wang taon na ang nakakaraan.

Wala namang masamang epekto ang ibibigay sa loveteam ng ginawang pag-amin ni Liza. It was just a confirmation ng matagal nang pinaniniwalaan ng kanilang fans and followers. Obvious naman na kahit hindi sila magsalita ay ipinagkaka­nulo ang da­lawa ng kanilang body language.

Ang promo para sa pelikula nilang Alone/Together ay isa ring patunay ng totoong estado ng kanilang relasyon.

Patricia pinu-push ang health and wellness campaign

Kung kailan siya misis na at saka pumayag si Patricia Javier na maging contestant sa isang international beauty pageant, ang Mrs. Universe na magaganap sa South Korea sa buwan ng Agosto. Naging malawak naman ang pag-iisip ng kanyang asawa na si Dr. Rob Wal­cher at nakakita ito ng isang magandang opportunity upang mai-promote ni Patricia ang kanyang libro tungkol sa health and wellness na kalulunsad lang dito sa Pilipinas.

Magandang ehemplo si Patricia ng kanyang libro dahil sa estado ng kalusugan nito at physical condition. Kasalukuyan nang sumasailalim sa isang training si Patricia para sa pagsabak niya sa Mrs. Universe na may 88 kandidato bukod sa kanya.

Pelikula nina Nadine at Carlo kinasabikan sa trailer

Mukha namang promising ang gagawing pakikipag-tambal ni Nadine Lustre kay Carlo Aquino sa pelikulang Ulan.

Marami ang nagandahan sa unang trailer ng pelikula na lumabas kamakailan sa direksyon ni Irene Villamor, direktor ng matagumpay na Sid & Aya (Not A Love Story) nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Sa intensity ng naging performance ni Carlo sa mga nakaraang pelikula niya with Bela Padilla and Angelica Panganiban, sigurado ang mga mano­nood ng Ulan na mapapakilig sila nina Nadine at Carlo kahit na nagbabadya pa rin sa background sina James Reid at Angelica.

Ronnie seryoso sa pagbabalik ng action movies

Sana hindi masayang ang layunin ni Ronnie Ricketts na maibalik ang genre ng action sa pelikula via his comeback movie na Exit Point. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at agad sinimulan ang kanyang pelikula na suportado ng kanyang maybahay na si Mariz Ricketts at ilang mga kaibigan gaya nina Jackielou Blanco, Alvin Anson, Jerico Estregan, Renzo Cruz at Edgar Mande. Bukod sa kasama siya sa movie, si Ronnie pa rin ang sumulat ng kuwento at nagdirek ng movie.

Mga show na tatapat Kina Regine at Vice, bigatin din

Sa lakas ng ibinabadya ng sales sa ticketnet ng The Songbird and the Songhorse, parang isang pagpapakamatay para sa mga gustong sumabay at tumapat dito na ibang Valentine shows. Gaya ng ipoprodyus ni Annabelle Rama sa February 12 sa Mariott Hotel ng isang parang family entertainment dahil bukod kina Pilita Corales, Eddie Mesa, Mitch Vales, Sunshine Cruz at Mitoy Yonting ay kasama pa rin sa show ang padre de familia na si Eddie Gutierrez at host ng show sina Ruffa Gutierrez at Raymond Gutierrez, kasama pati na ang asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati. Pinaka-alas ng palabas ay ang participation ni Sol Panelo, ang spokesperson ni P. Digong.  Kapag sinuwerte si Annabelle baka maisipang manood ng buong gabinete ni P. Digong bilang suporta kay Panelo na hindi pa sinasabi kung ano ang gagawin sa show.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with