Pa-concert ni Annabele Rama ubusan ng tickets
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2019 - 12:00am

Sold out na ang Valentine Extravaganza ng Royale Artist Management Inc. ni tita Annabelle Rama.

Ang nasabing concert ay pangungunahan nina Pilita Corrales, Mitch Valdez, Sunshine Cruz, Sarah Lahbati, Mitoy, Sal Panelo and Eddie Mesa with the special participation of Eddie Gutierrez, hosted by Ruffa and Raymond Gutierrez.

Gaganapin ito sa February 12, 2019, Marriot Grand Ballroom A & B.

Ito nga at may mga humahabol pa raw na gustong bumili ng ticket samantalang dalawang ballroom na ang i o-occupy nila.

Kung sabagay sa mga kaibigan pa lang ng performers like Presidential Spokesperson Sal Panelo, tiyak mamakyaw na sila ng mga ticket.

Baka nga pati si President Duterte, manood pa ng concert.

Eh siyempre, may kanya-kanyang following din sila Ms. Pilita, Eddie M and Eddie G., na madadatung. Ang mga senior ang mas may datung at oras para manood ng mga concert ng mga kapanabayan nila.

Saka sa rami ng mga kaibigan ni tita Annabelle, tiyak ubos nga ‘yun.

Oh well, baka mag-isip siya ng second night.

ANNABELLE RAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with