^

PSN Showbiz

Janine hindi pa nakaka-recover sa mabilis na pagkawala ng Elise

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Janine hindi pa nakaka-recover  sa mabilis na pagkawala ng Elise
Janine

Ano ba ang inayawan ng manonood sa Elise na ginawa ng Regal Films para kina Janine Gutierrez at Enchong Dee? Bukod sa pagkakaro’n nito ng rating na “A” mula sa Cinema Evaluation Board ay napakagaganda pa rin ng review na ibinibigay dito ng mga kritiko, pero mabilis pa rin itong na-pull out sa mga sinehan sa malaking disappointment lalo na ng dalawang bida ng pelikula, lalo na si Janine na ibinigay ang lahat niyang makakaya para lang mapaganda ang movie niya na inisnab nga ba ng manonood?

Kasama pa naman niya sa movie ang lola’t tiyahin nilang sina Pilita Corrales at Jackielou Blanco. Ni hindi nga natapos ng Elise ang regular run nito sa mga sinehan. Mabilis itong nawala, to the detriment ng ma­raming naghaha­nap pa pero di na nila ina­bot. Tsk. Tsk. Tsk.

Derrick ayaw ilantad ang GF na Miss Manila 2018

Baka makaapekto sa career ni Derrick Mo­nasterio ang pagkakaroon ng girlfriend in the person of Miss Manila 2018 Kathleen Paton. Kahit hindi pa inaamin ng young Kapuso actor, nagpa­ramdam na ang Fil-Aussie ng kanilang relasyon sa kanyang Instagram account. Pero, todo iwas pa rin si Derrick at hangga’t makakaya ay pilit na itatanggi ang pagkakaroon niya ng karelasyon. Buti na lang hindi naiinsulto si girl.

Mga pelikula sa TV mas matinding kalaban

May kuwento na naman palang ginawa si Bela Padilla para sa pelikula. Pero hindi sa regular na sinehan ito mapapanood kung hindi sa IWant. Pinamagatan itong Apple Of My Eye kung saan tampok sina Krystal Reyes at Marco Gumabao, sa direksyon ni James Mayo. Palabas ito sa February 14, Valentine’s Day.

Marami nang movies ang ginagawa para sa TV (Iflix, Netflix, IWant) nakasisiguro nga naman ang mga nagpoprodyus ng ganitong pelikula na hindi sila maiisnab ng manonood. Mas marami pa ang makakapanood ng pelikula nila.

vuukle comment

ENCHONG DEE

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with