^

PSN Showbiz

Sikat na female personality nagpapanggap lang na masaya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Walang maipagmalaking pamilya

Maganda lang magdala ang isang kilalang female personality ng kanyang kalungkutan. Akala ng buong mundo ay maligaya siya sa kanyang kinatatayuang buhay ngayon pero ang totoo ay wala siyang kasinglungkot.

Naghahanap siya ng atensiyon mula sa ibang tao, kung minsan ay sumosobra pa nga ang kanyang mga pinaggagagawa para lang mapansin siya, ang lahat ng ‘yun ay produkto ng pagiging malungkot niya sa buhay.

Ang kalungkutan, sabi ng magkakaharap sa isang malaking umpukan ng mga artista, ay hindi natatabunan ng mga branded na kagamitan.

Lalong hindi ‘yun mapagtatakpan ng pagliwaliw sa buong mundo anumang oras niyang gustuhin. Magbago man ang kanyang kapaligiran ay ‘yun lang ang bago sa kanyang paningin, pansamantalang gamot lang ‘yun sa kanyang kalungkutan, pero ang kanyang puso ay sakdal lungkot pa rin.

Komento ng isang direktor sa umpukan, “Look at her eyes. Kahit tumatawa na siya, kahit humahalakhak pa siya, loneliness is all over her face. Malungkot pa rin siya.”

Sabi naman ng isang beteranang aktres, “Because she pretends to be happy when she’s not. How can someone be happy kung hindi naman natupad ang kanyang mga pangarap?

“Sige, nasa kanya na ang lahat ng material things sa mundo, nabibili niya ang kahit anong magustuhan niya, pero kumbaga sa sakit, e, remedy lang ‘yun, hindi cure.”

Reaksiyon naman ng isang kaedarang aktres ng malungkot na female personality, “She’s so pathetic. Actually, maiinis ka talaga sa kanya, pero in truth, nakakaawa siya. Wala siyang make-claim na kanya talaga.”

Kuwento naman ng isang source sa umpukan, “One time, na-invite siya sa isang gathering. Siya ang magka-cut ng ribbon. Nakita niya ang isang showbiz couple na kasama ang mga anak nila.

“Kitang-kita mo sa mga mata niya ang inggit, ang paghanga, dahil kahit hindi mayaman ‘yung mag-asawa, ang ganda-ganda nilang tingnan habang kasama ang mga kids nila.

“E, siya nga naman, marami siyang pera, sunod ang layaw niya sa karelasyon niya, pero hindi pa rin sila matatawag na family.

“Hindi siya tanggap ng pamilya ng karelasyon niya, pinutol niya na rin ang relasyon niya sa mismong family niya, talaga namang nakakalungkot ang buhay niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Daniel nasakal sa nanay ni Kathryn?!

Parang tumutotol ang aming kalooban na maniwalang may problema ngayon sa relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. In-unfollow na raw ng binata sa kanyang IG ang mag-inang Kathryn at Tita Min Bernado.

May kaibigan kaming pinakiusapan kung totoo ang kuwento, hinanap nito ang pangalan ni Daniel Padilla sa IG ng mag-ina, “user not found” ang nakuhang sagot ng kaibigan namin.

Ano kaya ang nangyari sa pina­ka­matatag pa namang loveteam sa likod at harap ng mga camera sa aming panukat? Bakit kaya ginawang i-unfollow ni DJ sina Kath at Tita Min?

Meron kayang nagaganap na sila-sila lang ang nakakaalam? Isang malaking problema ito para sa kanilang mga tagahanga. Sila ang mga tagasuportang sobrang nagmamahal sa loveteam, nasasaksihan namin ang galaw ng KathNiel, lahat ay ginagawa nila para manatiling matatag ang relasyon at career ng kanilang mga idolo.

Natural, dahil sa balitang lumabas ay nagkani-kanyang bash na naman ang mga taong matagal nang gustong magkahiwalay sina DJ at Kath, may nag-post habang nabubulabog daw ang mundo ng KathNiel ay hayun naman si Daniel at nakikipag-party na ibang babae ang kasama.

Mas marami pang makikisawsaw sa sitwasyon, asahan nang mas lalawak pa ang problema ng magkarelasyon, dahil sa mga komentong hindi makatutulong sa kanilang pinagdadaanan ngayon.

Tanong ng isang kaibigan namin, “Ito na kaya ang resulta ng sinasabing sakal na sakal na raw si Daniel sa mag-ina? Matagal na naming naririnig ‘yun. Ito na nga kaya ‘yun?”

Naku, huwag naman sana, sayang na sayang naman ang halos pitong taon na nilang relasyon.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with