^

PSN Showbiz

Komedyante/TV host laging luhaan ang puso pag napakinabangan na

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng kanyang katanyagan at ka­yamanan ay wala pa ring suwerte sa pakikipagrelasyon ang isang komedyante-TV host. Palagi siyang idinedenay ng mga lalaking nakarelasyon niya.

?Sa simula ay nakikisakay sa kanya ang lalaki, feeling-artista na rin dahil sa exposure, pero pagkatapos lang nang ilang panahon ay nganga siyang iniiwan.

?Kuwento ng aming source, “Kawawa rin siya, mahirap sabihing puro user ang natatapatan niya, pero ano pa nga ba ang maitatawag sa mga ganu’n? Porke ba beki siya, e, basta na lang siya ididenay?

?“Di ba, nagkaroon siya ng ka-close na sikat na player? Palagi silang magkasama, halos gabi-gabing kasama ng beki ang labs niya!

?“Pero nu’ng unti-unti nang nagkakapangalan ‘yung player, e, basta na lang siya dinedma? Nakakaloka, di ba naman? Pagkatapos tanggapin ang mga regalo niya, e, basta ganu’n na lang?

?“Hindi lang nagsasalita ‘yung beking TV host, pero malaki ang tampo niya sa lalaking ‘yun! After nga naman ng pagiging close nila, e, basta na lang siya dinedma na parang tissue paper na itinapon na lang sa basurahan?” simulang kuwento ng aming impormante.

?Pagkatapos nang ilang panahon ay wala pa ring kadala-dala ang beki. Isa na namang kalinya nu’ng ex niya ang pinaglaanan niya ng atensiyon at kung anu-ano pa.

?Enter uli ang aming source, “At ano na naman ang nangyari? Di ba, same-same lang? Pagkatapos magkaroon ng exposure ‘yung guy, enjoy na enjoy si mokong habang laman sila ng beki ng mga tabloids, ano ang sumunod na naganap?

?“Basta hindi na lang nagpakita sa kanya, deadmatology rin siya kay beki? Nakakaloka! Hindi alam nu’ng TV host ang dahilan kung bakit basta na lang naglaho sa tabi niya ang machong player na akala niya, e, magiging forever na niya?

?“Maraming kaibigan ng beki ang nagpapayo sa kanya na tigasan niya naman nang konti ang puso niya, hindi ‘yung ganyan na konting lambing at lambutsing lang sa kanya ng mga mhin, e, todo-bigay na agad siya!

?“Huwag muna siyang maniniwala sa mga ipinakikita ng guy, pag-aralan muna niyang mabuti, para hindi siya nagmumukhang ewan sa bandang huli!

?“Ang ganda-ganda sa una, pero ilang panahon lang, e, nawawala na, habambuhay nga naman siyang magmumukhang kawawa kapag ganu’n?” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Jinggoy parang hindi nakulong ang pakiramdam

Kalalabas pa lang nu’n sa PNP Custodial Center para sa kanyang pansamantalang kalayaan ay una nang binigyan ng tutok ni da­ting Senador Jing­goy Estrada ang mga kababayan nating OFW.

?Humingi siya ng clea­rance sa Sandiganbayan para makalipad sa ibang bansa at makausap-matulungan ang mga uuwi na­ting manggagawa na matagal nang problemado sa kanilang mga pinaglilingkuran.

?Hindi ganu’n kabilis ang proseso ng pagpapauwi sa mga manggagawa, kailangan ng masusing koordinasyon sa OWWA, pero napakalaking utang na loob na tinatanaw ng mga OFW ang panahong ibinigay sa kanila ni dating Senador Jinggoy.

?Mismong si Arnell Ignacio ang nagpahayag na malaking tulong na ‘yun para sa mga OFW, “Maakbayan mo lang sila, pakinggan mo lang ang mga hinaing nila, tapikin mo lang ang balikat nila, e, napakalaking luwag na ng kalooban ang nararam­ daman nila.”

?‘Yung sinserong pakikinig ni dating Senador Jinggoy sa mga nakaharap niyang OFW ay nagmarka na agad, sa sarili niyang paraan ay nagbigay rin siya ng tulong na pinansiyal sa pamilya ng mga manggagawa, hindi siya tinaguriang anak ng masa nang walang dahilan.

?Ang kapakanan ng ating mga OFW at ng mga kasambahay ang unang-unang nakaplantilya sa muling pagkandidato ng aktor-pulitiko. Malaking utang na loob ang tinatanaw sa kanya ng mga namamasukang kasambahay dahil ngayon ay tinatrato na sila nang maayos, tumaas na ang kanilang buwanang suweldo, alam na rin nila ngayon ang kanilang karapatang-pantao nang dahil kay dating Senador Jinggoy Estrada.

?Sa mga probinsiyang dinadalaw niya nitong mga huling buwan ay ramdam na ramdam ng aktor-pulitiko ang napakainit pa ring pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan mula sa iba-ibang rehiyon.

?“Pakiramdam ko nga, e, parang hindi naman ako nakulong dahil walang pagbabago ang pagtanggap nila sa akin. Napakainit pa rin ng mga yakap nila, damang-dama ko ‘yun,” pahayag ng anak ng masa.

vuukle comment

JING­GOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with