^

PSN Showbiz

Dalawang aktres na nagkasalo sa isang lalaki, nagpalakasan ng sampal sa kanilang mga eksena

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang taon na ang nakararaan ay naging magkatrabaho sa isang serye ang dalawang babaeng personalidad. Pareho silang matalino, mas sikat lang ang mas nakababatang aktres kesa sa isa, pero wala kang itatapon sa kanilang dalawa.

?Ayon sa mga kuwento ay nakarating kay Actress A na nagkaroon ng relasyon si Actress B sa nakahiwalay niyang mister. Hindi na siya naghahabol sa aktor, ang mga anak na lang nila ang dahilan ng kanilang komunikasyon, pero kahit paano’y nainis pa rin siya kay Actress B para sa kanilang mga anak ng male personality.

?Kuwento ng aming source, “Maganda ang kuwento ng palabas, maraming encounter ang dalawang babae, argumentong humahantong pa nga sa pisikal na pagkakasakitan.

?“E, alam n’yo naman si Actress A kung umarte, bigay na bigay, walang dayang sampal para sa kanya. So, sa isang eksenang sinampal niya si Actress B, halos mabingi-bingi siya dahil sa sobrang lakas ng sampal ni Actress A!

?“Gusto nang tanungin ni Actress B ang kaeksena niya kung pinepersonal ba siya, pero pinalampas na lang niya ‘yun. Pero ang minsan, e, nasundan pa uli, du’n na bumigay si Actress B!” simulang kuwento ng aming impormante.

?Sa isang tagpo kung saan si Actress B naman ang sasampal kay Actress A ay naging kuwentas-klaras na sila. Talagang ibinigay rin ni Actress B ang bigat ng kanyang kamay sa kaeksena nitong aktres.

?“Nakakaloka ang eksenang ‘yun! Ang lakas-lakas ng pagkasampal ni Actress B sa napatungangang si Actress A! Halos tumabingi na kasi ang mukha niya, super-lakas ang sapak sa kanya ni Actress B!

?“Sabi siguro ni Actress B, ‘Ano ang akala mo, ikaw lang ang may karapatang manakit ng kaeksena mo?’ Naloka ang mga nasa set, hindi nila sukat-akalain na ang lalampa-lampang si Actress B, e, kayang-kaya rin palang manampal nang sobrang lakas?

?“Magmula nu’n, e, nagkaroon na ng tensiyon sa set, nagkakailangan na ang dalawang girls, palagi na nilang inaabangan ang eksenang magkakasampalan sila. Natural, personalan na ang naging laban, di ba naman?

?“Hindi nga lang pala sila parehong matalino, pareho rin silang magaling mag-host!” clue pa ng aming source sa kanyang pagtatapos.

?Ubos!

Coco naging ninong ng mga pulitiko

Sa pinakahuling episode ng Ang Probinsyano na natutukan namin, buung-buo sa aming isip na mamamatay na si dating Senador Lito Lapid bilang si Pinuno, pero hindi pa pala.

?Matagal ang pagpapalitan nila ng mga sipa at suntok ni Rommel Padilla, minsan pang ipinamalas ng aktor-pulitiko ang husay niya sa maaaksiyong eksena, pero sa huling pagtutuos nila ay si Rommel ang napatay at hindi ang dating senador.

?Walang may gustong mamatay na si Pinuno, pangdagdag siya sa mas ikaiinit pa ng mga labanan sa serye, pero ilang tulog at gising na lang ay magsisimula na ang kampanya ng mga tatakbo sa pangnasyonal na posisyon.

?Mataas ang numero ni dating Senador Lito sa survey, hindi maikakaila na napakala­king tulong ang ibinibigay sa kanya ng Ang Probinsyano, lalo na’t para sa kapakanan ng buong bayan ang ipinaglalaban ng grupong Vendetta kung saan sila magkakasama ni Coco Martin.

?Maraming nagsasabi na siguradong isasagad ang “pagkamatay” ni Pinuno kagabi hanggang sa Lunes nang gabi dahil kinabukasan ay simula na ng kampanyang pangnasyonal.

?Wala pa ring kupas sa action ang nagkakaedad nang aktor-pulitiko. Malakas pa rin ang kanyang katawan, at malakas pa rin ang kanyang karisma, kinakiligan nga ng manonood ang romansa nila ni Angel Aquino sa serye.

?Ninong ng mga artistang pulitiko si Coco Martin. Malapit na ring malagas sa istorya ang mga karakter na ginagampanan nina Edu Manzano, Jhong Hilario at Mark Lapid.

?Bilang suporta sa mga minahal na kasamahan sa Ang Probinsyano ay siguradong aakyat din sa entablado de kampanya ng mga ito si Coco Martin.

?Panalung-panalo!

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with