^

PSN Showbiz

Aktres na kinakaladkad ng ex na aktor, sinuwerte sa napangasawang milyonaryo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakasabay sa flight ng mga kaklase namin sa kolehiyo ang isang pamosong aktres. Malayo pa lang siya ay rumehistro na agad ang kanyang hitsura at pangalan sa mga balikbayan naming kaibigan.

Hindi pa rin nagbabago ang kanyang hitsura, medyo nadagdagan lang ang kanyang timbang na kering-keri niya naman, hindi pa rin nagdadamot ng ngiti ang female personality sa mga bumabati sa kanya.

Sinuwerte ang aktres, nakatagpo siya ng lalaking nagkaroon ng balls na ipaglaban siya sa pamilya nito, milyonaryo ang napangasawa ng aktres.

Pero totoo nga na bago ang pagginhawa sa buhay ay nauuna muna ang mga pagsasakripisyo. Nakarelasyon nu’n ng female personality ang isang sikat na aktor.

Kuwento ng aming source, “Akalain mo ‘yun? Sino ang mag-aakala na ganito pala kaganda ang magiging buhay niya? Actually, premyo niya ito dahil sa mga pinagdaanan niya sa karelasyon niyang male personality nu’n!

“Sobrang hirap ang inabot niya sa male personality, kapag nagkakaroon sila ng away, makikita mong tumatakbo sa kalye ang girl, takot na takot, dahil hinahabol siya ng boyfriend niyang napakabigat ng kamao.

“Para kasing praning ang boyfriend niya, paiba-iba ang takbo ng isip, hindi siya binibigyan ng kahihiyan! Imagine, kilalang artista siya, pero kinakaladkad siya sa kalye ng aktor?

“Mismo! Hindi niya ‘yun maidedenay dahil sa community kung saan sila nag-live-in, e, palaging nakikita ang girl na tumatakbo habang hinahabol ng actor na galit na galit!

“Parang shooting ang nangyayari, maaksiyong pelikula, dahil puro habulan ang mga eksena ng magkarelasyon!” pag-alala ng aming impormante.

Pero ngayon ay ibang-iba na ang buhay ng seksing aktres, ma­yamang-mayaman na siya dahil matalino siya at magaling sa negosyo, pero nasaan naman ngayon ang male personality na nagbigay ng mga bangungot sa buhay niya?

“Mabuti na lang at hindi ang male personality na ‘yun ang napangasawa niya. Wala siyang magandang future sa lalaking ‘yun! Ano ba ang nangyari sa relasyon nila ng naging wife niya?

“Wala rin! At nagkademandahan pa sila! Nasangkot pa siya sa malaking controversy! Sobrang seloso ng male personality na ‘yun, palibhasa, siya ang nangangaliwa!

“Oh, boy! Ganu’n naman yata talaga. Thinkers are doers, di ba naman?” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga nanonood ng Probinsyano... walang planong bumitiw

Jingle lang ang pahinga ng mga kababayan natin ngayon habang nakatutok sila sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Grabe na naman ang mga engkuwentro, busog na busog ang mga Pinoy sa maaaksiyong eksena, ibang klase talaga si Coco Martin.

Hindi mo na pipikitan ngayon ang mga nagaganap na tagpo sa serye, sayang kasi ang makalalampas na eksena, talagang suicide lang ang aabutin ng kahit anong palabas na makiki­pagtapatan sa Ang Probinsyano.

Magsasarado na ang telon ng Cain At Abel, ang pinakahuling seryeng humamon sa pinagbibidahang palabas ni Coco Martin, ilang serye na ba ang tumapat sa kanila sa loob nang tatlong taon na lahat ay sumuko na lang at nagsasarado?

Inaasahan na ang pamamaalam ni dating Senador Lito Lapid, simula na ng kampanya ng mga kakandidatong senador sa February 12, ang pinakahihintay ngayon ng bayan ay kung anong atake ang gagawin ng serye sa pagkamatay ni Leon Guerrero.

Hindi maitatanggi ng aktor-pulitiko na napakalaki ng naitulong sa kanya ng Ang Probinsyano bilang si Pinuno. Grabeng boto ang piniruya ng kanyang presensiya sa serye, ‘yun ang dahilan kung bakit sa pinakahuling survey ay mataas ang kanyang numero, ang laki-laki ng naitulong sa kanya ng Ang Probinsyano.

Lalong nagagalit ang mga kababayan natin sa matin­ding traffic, kapag sobrang buhul-buhol kasi ang mga sasakyan sa kalye ay hindi nila nasisimulan ang serye, lalo na ngayong nagaganap na ang engkuwentro ng Vendetta at ng grupo ni Jhong Hilario bilang si Alakdan.

Sabi ni prop, “Siguro, magkakaroon ako ng mga sagot na mali sa current events kapag kumuha ako ng exam. Pero kapag ang Ang Probinsyano ang nagbigay ng test, siguradong perfect ko ‘yun! Mula sa pangalan ng mga characters hanggang sa mga eksena, perfect ko ‘yun!”  tawa nang tawang rebelasyon ng kaibigan na­ming propesor.

Ha! Ha! Ha! Ha! Kami rin!

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with