Paolo at anak
Nasarapan, Paolo iniinom ang breast milk ni LJ
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2019 - 12:00am

Eksaktong one month na ang anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Ayanna Summer nang ipinakita nila ito sa publiko nung kama­kalawa ng gabi.

Sabi nga ni Paolo, may pagkamadamot daw sila. Gusto raw muna nilang solohin ang kanilang baby bago nila ito i-share sa lahat.

Tama nga ang pag-describe niya nang kinulit ko siya kung sino ang kamukha ng baby. Sabi niya parang babaeng si Aki raw ito na anak ni LJ kay Paolo Avelino.

Ang cute ng baby na mestisang tsinita kaya naman inspired na inspired si Paolo sa pag-alaga sa kanyang anak.

May nagsasabing parang kamukha nga raw ni Aki, kaya tinatanong daw nila ang anak ni LJ kung kamukha nga ba niya si Baby Summer, hindi raw niya alam kung kamukha nga niya pero tuwang-tuwa raw ang bagets na inaalagaan niya ang baby sister niya.

Tamang-tama naman nung ipinost nina Paolo at LJ ang picture ng baby nila, nag-trending din ang post ni Paolo na iniinom ang breastmilk ni LJ na dapat para kay Baby Summer.

Hanggang kahapon ay pinag-uusapan ng mga netizen ang kakuwelahan ni Paolo Contis na walang patumanggang tinutongga ang iniipong gatas ni LJ para dapat sa kanilang Baby Summer.

Kinakantiyawan tuloy sila na pati ang bata ay inagawan daw niya ng gatas. Pero marami naman ang pumuri kay Paolo na nakakatuwa raw ang pagiging ama na kung saan personal niya talagang inaalagaan ang kanilang anak.

Tinext ko si Paolo para hingan sana ng reaksyon sa pag-trending ng post niyang iniinom ang breastmilk, “Jusko hahaha!” lang ang sagot niya.

Sabi naman ni Paolo, nasarapan daw siya sa breastmilk ni LJ. Type nga raw niyang uminom uli, pero ayaw naman daw niyang naki-share pa siya sa gatas ng anak nila.

“Gusto ko yung lasa eh.

“I think depende sa kinakain ng mom yun eh.

“Very healthy naman si LJ kaya siguro masarap for me,” text sa akin ni Paolo.

Marami ang natuwa sa post na iyun ni Paolo, at nakikita nilang masaya ang pagsasama nila ni LJ Reyes.

Mayor Lani may kuwento sa reunion nila nina Dawn

Nakaalis na ang karamihang movie press nang dumating ang Bacoor Mayor Lani Mercado sa Annabel’s Restaurant kahapon ng hapon.

Nagpa-lunch lang naman si Sen. Bong Revilla sa mga kaibigan movie press dahil magiging abala na raw siya sa pangangampanya.

Hindi na nga siya gaanong nagpa-interview dahil gusto lang daw niyang makasama ang mga taga-showbiz para makisaya na rin sa Chinese New Year.

Nakiusap lang si Sen. Bong sa mga detractor niya na sana tigilan na raw siya sa mga paninira para hatakin siya pababa.

Pero tila hindi naman naapektuhan si Sen. Bong sa mga paninira sa kanya dahil hindi siya nawawala-wala sa survey. Lagi siyang nasa top 10 sa lahat na survey.

Nakatsikahan namin si Mayor Lani pagdating niya at masaya niyang kinuwento sa amin ang reunion nilang mga host ng GMA Supershow nung nakaraang Linggo, February 3.

Si Dawn Zulueta raw ang nag-organize ng reunion nila na ginanap sa Manila House sa BGC.

“Ang saya nga namin, na halos kumpleto kami dun.

“Pati nga si Pops (Fernandez) kasama rin.

“Sabi ni Pops, hindi naman daw siya nag-host ng GMA Supershow ni Kuya Germs noon. Naging part daw siya dati yung Big Ike’s Extravaganza,” natatawang pahayag ng Bacoor Mayor.

Tinanong ko siya na definitely hindi sila ganun kakumpleto dahil si Dawn ang nag-organize at nagtawag sa kanila.

“Hindi na kita sasagutin diyan. Alam ko ang gusto mong palabasin. Ayoko maintriga diyan,” napapangi­t­ing sagot sa akin ni Mayor Lani.

Na-gets niya agad na si Gretchen Barretto ang tinutukoy ko.

Siyempre, si Dawn nga naman ang nag-organize ng reunion na yun na hindi ganun ka-okay kay Gretchen.

Mukhang si Gretchen nga ang isa sa di kasali, dahil ang iba naman nasa Amerika na nanirahan.

Dating Miss World nagpakita ng acting sa Elise

Ngayong araw na ang showing ng pelikulang Elise nina Enchong Dee at Janine Gutierrez.

Naka-Grade A mula sa CEB ang naturang pelikulang dinirek ni direk Joel Ferrer kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Regal Entertainment.

Maganda naman kasi ang feedback sa pelikula, pero ang isa sa napansin naming magaling naman palang umarte ay ang dating Ms. World Philippines na si Laura Lehmann.

Okay ang role at exposure ni Laura sa pelikula, at marami ang agree na natural siya umarte. Kaya promising din siya at puwede siyang mag-major support dahil marunong siya umarte.

Mukhang mabibigyan pa ng Regal si Laura ng marami pa at magagandang film projects.

Samantala, ngayong araw din ang showing ng Hanggang Kailan nina Xian Lim at Louise delos Reyes.

Binigyan naman ito ng Grade B ng Cinema Evaluation Board, at very positive si Xian sa pelikulang ito na prinodyus din niya.

Suportado naman ni Kim Chiu ang naturang pelikula na dinirek ni Bona Fajardo.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with