^

PSN Showbiz

Aktor nagpatigas ng katawan at nagpakinis ng balat produkto ng sensiya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nakakakilala sa isang male personality ang awang-awa sa kanya habang pinanonood siya sa isang serye. Pagod na pagod kasi siya sa kanyang mga eksena.

?Kailangan niyang magpatigas ng katawan, dapat ay brusko siyang magsalita, para hindi mapansin ang kanyang kalam­butan sa totoong buhay.

?Komento ng isang source, “Tuwing matatapos palang umarte si ____(pangalan ng male personality), e, kailangan niyang magpamasahe para hindi manakit ang buong katawan niya.

?“Imagine, ilang sequences ang ginagawa niya tuwing taping. May mga action pa nga siyang eksena paminsan-minsan, di ba? Napakahirap ng ganu’n!

?“Kailangan siyang magpatigas ng katawan, dodoblehin niya ang modulation ng voice niya para hindi siya masyadong mahalata, napakahirap ng mga ginagawa niya, sa totoo lang!” simulang kuwento ng aming source.

?Napakakinis ng kanyang kutis, alagang-alaga niya ang kanyang balat, resulta lang kasi ‘yun ng siyensiya na hindi niya puwedeng pabayaan.

?Patuloy ng aming source, “Nagulantang na lang ang mga dati niyang nakakasama kung bakit at paano siya biglang kuminis at pumuti. Hindi naman kasi siya dating ganyan!

?“Pero dahil sa kaiinom niya ng kung anu-ano at paggamit ng mga kaechosang pampahid sa balat niya, e, nagkaroon ng milagro sa kutis niya. Flawless na siyang bigla!

?“Napaka-vain kasi niya. Sumama na siya sa grupo ng mga male personalities na maraming ginagawang kung anik-anik sa katawan nila kapag naliligo. Hindi siya puwedeng magtagal sa arawan, bawal ‘yun sa kutis niya.

?“Hindi siya puwedeng magbabad sa dagat habang tirik ang araw dahil naku, magkakaroon siya ng problema sa skin, ayaw na ayaw niya ng ganu’n!

?“Nakakaawa siya habang umaarte sa isang serye, nagpapatigas siya ng katawan, pumoporma siyang lalaking-lalaki, samantalang ‘yun naman pala ang hanap niya!

?“Napapailing na lang ang mga dati niyang nakakasama, gusto niyang sumikat, magtiis siya sa kaaarteng mhin na mhin siya! Pagod na pagod siya, kailangan niya talaga ng masahe kapag natatapos na ang mga eksena niya!

?“Para kasi siyang bula na sa isang tusok lang, e, talagang sasabog siya!” pagtatapos ng aming source habang nakataas ang kilay sa tenth floor.

?Ubos!

Alden tuloy ang pangongolekta ng mamahaling kotse

Dalawang buwan pa mula ngayon ay magiging abala na si Alden Richards sa pamamahala sa bago niyang negosyo. Bukod sa magtatatlo na ang sangay ng Concha’s ay magbubukas na rin ang kanyang branch ng isang sikat na food chain.

?Maraming pumupuri sa Pambansang Bae dahil ngayon pa lang ay sobrang pinaghahandaan niya na ang kanyang kinabukasan. Pati ang kanyang pamilya ay makaaasa rin na huminto man sa pag-aartista si Alden ay meron na silang masasandalang mga negosyo.

?Pero hindi tinitipid ng binatang aktor ang kanyang sarili. Kuwento ng isang kakilala naming trader ay gumagastos nang malaki si Alden sa kanyang mga personal na stuff.

?“Mahilig siya sa shoes at jacket, talagang ginagastusan niya ‘yun, hindi niya pinagdadamutan ang sarili niya. Isa pang talagang pinagkakagastusan niya, e, perfume. Marami siyang brands na gina­gamit, malakas siyang gumamit ng pabango,” sabi ng nakilala naming biyahero.

?Nu’ng minsang nakita niyang nakaparada ang isang magarang sasakyan ni Willie Revillame ay nilapitan ‘yun ni Alden. Nakita siya ng aktor-TV host habang sinisilip niya ang loob ng kotse.

?“Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?” biro niya kay Willie. Sagot sa kanya ng TV host na nangongoleksiyon ng mga sasakyang milyun-milyon ang halaga, “Magkakaroon ka rin n’yan, basta magsipag ka lang at matutong humawak ng pinagpapaguran mo.”

?Ilang buwan lang pagkatapos ay nakabili na si Alden Richards ng pinapangarap niyang branded car. At nasundan pa ‘yun ng isa, saka ng isa pa, natupad ang kanyang pangarap nang mabilisan.

?‘Yun ang produkto ng kanyang pagpapagod at pagpupuyat. Sa sasakyan na siya nagnanakaw ng pahinga at tulog dahil sa kanyang schedule na nakakalendaryo na hanggang sa magtapos ang taon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with