^

PSN Showbiz

Regine Velasquez tameme sa tsikang P1-million ang singil sa tatlong kanta

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Regine Velasquez tameme sa tsikang P1-million ang singil sa tatlong kanta
Regine

Hindi maamin ni Regine Velasquez na P1-M na ang TF niya sa tatlong kanta na ginagawa niya tuwing mayro’n siyang gig o concert. Baka nga naman habulin siya ng BIR. Sapat nang malaman na isa siya sa may pinaka-mataas na TF kaya nakasisiguro ang lahat ng manonood ng tatlong gabing Valentine concert nila ni Vice Ganda na The Songbird and The Songhorse na malalagasan ng malaking pera ang producer ng concert nila na nakasisiguro naman ng isang ma­saya at hindi malilimutang palabas dahil first time ito ng dalawang malaking pangalan sa showbiz na magsama sa iisang stage.

Nakatutuwang malaman na hanggang ngayon pala ay kumukuha pa ng voice lesson si Regine hindi para gumanda pa ang boses niya kundi para mailagay sa tamang placement ang boses niya lalo’t nagkakaedad na siya.

I’m sure malaki din ang gastos niya dito kaya malaking halaga ang inilalaan niya para sa maintenance ng kanyang singing voice.

Nora, Charo at Coney, gagawing komedyante

Pinakaaabangan ng marami at sana ay hinihiling na matuloy ang isang pelikula ni Mel Chionglo na pagsasamahan nina Nora Aunor, Charo Santos at Coney Reyes. Isang acting piece ito na maituturing at inaasahan ng mga manonood ay magpipingkian sa galing sa pag-arte ang tatlong multi-awarded actresses hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa labas nito. Maganda rin ang titulo ng pelikula, Sixty in the City, na kung hindi lamang sa presence ng tatlong artistang babae ay iisipin mong isang light comedy pero, hindi naman siguro sasayangin ng producer ng movie na BG Films ang natatanging pagsasama ng tatlo para hindi gawing makabuluhan ang proyekto.

Hindi na marahil panghihinayangan pa ng Superstar ang naunang kumawalang pelikula sa kanya dahil agad ay napalitan ito.

Joshua tutol sa pagbubuyangyang ni Julia

Hindi lamang malaking atensyon ang nakuha ni Julia Barretto sa pagpapakuha niya ng larawan na naka-swimwear. Maraming prodyuser ng movies ang nakaisip na i-cast siya sa mga plano nilang movies. Isa na ang ABS-CBN na balak irevive ang serye nilang Marina na unang ginampanan ng tiyahin niyang si Claudine Barretto. Pero, ano ‘tong balita na hindi payag ang boyfriend  ng young actress na si Joshua Garcia  sa gagawing pagbabago ni Julia ng kanyang image. Lubha raw napakaseloso ng nobyo para payagan si Julia na magpaseksi sa pelikula man o TV?

Janine parang si Sarah ang lovelife

Baka matulad din si Janine Gutierrez kay Sarah Geronimo na lumampas na ng edad 30 pero, wala pa sa plano ang pag-aasawa. Baka katulad ni Matteo Guidicelli ay kinakailangang maghintay pa ng matagal ni Rayver Cruz bago mag “I Do” sa kanya ng rumored girlfriend niya. Sa isang interview kay Janine ay sinabi nito na wala sa plano niya ang paglagay sa tahimik lalo’t nababataan pa siya sa edad niyang 29. Feeling niya at ngayon lamang siya nagsisimulang maging productive at experimental. Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Elise movie nila ni Enchong Dee.

Wowowin hindi pwedeng matigil

Hinintay lamang siguro ni Willie Revillame ang Chinese New Year para mag-resume ng taping niya ng Wowowin. Matagal siyang walang taping ng show na inakala ng lahat ay magtutuloy na sa pagkakatigil ng programa pero, hindi pala, baka nagpahinga lamang siya o may gagawing mga pagbabago sa programa kaya inubos muna nila ang mga naitape nang episodes.

Hindi naman maaring itigil ni Willie ang Wowo­win dahil marami ang umaasa sa programa, hindi lamang ang gumagawa at napapanood sa show, kundi maging yung ordinaryo nang pumapasyal sa programa para humingi ng tulong.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with