Joshua
Joshua Garcia at Julia Barretto, feeling Valentine's araw araw
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2019 - 12:00am

Pahinga muna sa telebisyon ang tambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. May kanya-kanyang proyektong ginagawa ngayon ang dalawa.

Kahit magkahiwalay sa mga trabaho ay hindi naman daw ito naging problema sa magkasintahan. “Kapag may project na magkahiwalay kami, proud kami sa isa’t isa. Basta kapag nalaman pa lang namin na, ‘Ay! Bubb, may ganito ako.’ Sasabihin pa lang ng handler namin, sasabihin kaagad namin sa isa’t isa. ‘Medyo nakaka-sad ‘di tayo magkasama pero I’m proud of you,’ gano’n siya. Very supportive and thankful ako na gano’n siya. And walang samaan ng loob, support lang siya,” pagbabahagi ni Joshua.

Sa susunod na linggo ay Valentine’s Day na pero ayon sa aktor ay hindi sila makapagde-date ni Julia sa espesyal na araw na ito. “Abangan n’yo na lang kasi makikita n’yo naman sa Valentine’s Day. Pero sa ngayon parang may schedule yata kami ng Valentine’s Day, siguro i-set na lang ng ibang date, kasi araw-araw naman Valentine sa amin eh,” natatawang pahayag ni Joshua.

Nyoy at Ice, excited maka-jamming ang isa’t isa

Sa Sabado na gaganapin ang Acoustic Love Journey concert nina Nyoy Volante at Ice Se­guerra sa Palacio de Maynila. Masayang-masaya si Nyoy dahil muling makakasama ang kaibigan sa isang show. “Well, technically ‘yung musicality naman namin ay nag-evolve na from ten years ago, the same chemistry, the same musical combination namin, musical chemistry namin, nando’n pa rin eh. It will be interesting na ma-experience, ‘yung ibang dynamics na pareho ‘yung musical chemistry,” nakangi­ting pahayag ni Nyoy.

Pansamantalang nagpahinga si Ice sa pagkanta kaya para kay Nyoy ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang mu­ling pagtatanghal ng singer. “That’s another thing. I’m glad na nakabalik na siya dito sa industriya na ito. Napaka-noble ng kanyang journey out of the industry. Ngayon na nakabalik na siya, siyempre excited din ako. ‘Yung mga katulad ni Ice kasi hindi dapat mawala sa industriya na ito. Kailangan ‘yung klase ng musika niya, at ‘yung klase ng performer kailangan laging nakikita,” paliwanag ni Nyoy.

Samantala, excited na rin si Ice na magkakasama sila ni Nyoy sa isang major concert. “I’m really excited because he’s been a very, very good friend of mine ever since. So happy lang kami sa jamming. Kasi minsan kapag sobrang kaibigan mo ang kasama mo sa stage, hindi mo alam kung anong magic ang pwedeng mangyari,” nakangiting pahayag ni Ice.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with