^

PSN Showbiz

Julia Barretto napiling bagong Marina?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julia Barretto napiling bagong Marina?!
Julia

Totoo kayang iri-remake raw ng ABS-CBN ang Marina na pinagbidahan dati ni Claudine Barretto?

Mahaba ang line-up ng mga posibleng gaganap bilang sirenang si Marina, pero parang marami ang may gustong si Julia Barretto dahil may konek naman kay Claudine.

Ilan daw sa pinagpipilian ay si Jane Oineza na siyang batang Marina dati ni Claudine. Puwede rin daw si Janella Salvador na naging sirena na rin sa pelikula at type din daw mag-audition ni Bela Padilla.

Pero parang mas swak nga si Julia na tila nagpapahiwatig na sa isang post niyang ikina-react ng mga netizens dahil ang buong akala nila topless itong nakalusong sa dagat.

Abangan na lang natin ang announcement ng ABS-CBN kung itutuloy nga nila ito.

Nora tina-target sa Sixty... 

Sabi ng ilang kaibigan, tila gamit na gamit na yata si Nora Aunor sa promo ng Jesusa ni Sylvia Sanchez.

Bumagay naman daw kay Sylvia ang role sa pelikula ni direk Ronald Carballo, kaya para talagang iyun sa Kapamilya actress.

Kung nawala kay Ate Guy ang Jesusa, may mas maganda namang kapalit na sana nga matuloy.

Excited si Baby Go ng BG Films na kinuwento sa aming gagawin na raw nila ang Sixty in the City na pagbibidahan ni Nora Aunor kasama sina Charo Santos at Coney Reyes. Si direk Mel Chionglo raw ang magdidirek nito.

Maganda ang line up ng cast of characters, kaya gustung-gusto nang gawin ni Madam Baby.

Nilinaw sa amin ni Madam Baby sa celebration ng kanyang kaarawan na ginanap sa Marco Polo Hotel nung kamakalawa ng gabi, na magiging active muli ang BG Films.

“Hindi ko puwedeng iwan ang showbiz. Mahal na mahal ko ang showbiz.

“May mga inasikaso lang ako na ibang business ko, pero tuloy na tuloy ang paggawa ko ng mo­vies,” pahayag ni Ma­dam Baby na pasayaw-sayaw pa sa kanyang birthday party.

“Meron akong gagawin na Hilakbot, Burak at ito yung Sixty in the City.

“Sabi ko sa inyo, ma-delay man yan, pero tuloy na tuloy yan,” dagdag niyang pahayag.

May mga nagsasabi pa kay Madam Baby na baka magkaproblema lang daw ito kung kukunin niya si Nora Aunor sa isang pelikula.

“Subukan mo muna. Saka mo makikita kung ano ang attitude ng tao,” sabi pa ng indie producer. 

Biniro pala namin si Madam Baby kung susuportahan ba niya ang dating SAP Bong Go bilang magkaapelyido naman sila.

Hindi raw sila magkamag-anak ni Bong Go, pero todo raw ang suporta niya.

Close pala si Madam Baby sa mga grupo ni Pres. Rodrigo Duterte.

Dumalo nga roon sa birthday celebration niya ang kapatid na babae ni Pres. Digong.

Willie isinabay sa Chinese New Year ang pagbalik 

Kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw, muling babalik sa taping ang Wowowin ni Willie Revillame.

Sobrang dinamdam ni Willie ang nangyaring sakuna sa studio ng Wowowin, kaya pinaayos niya ito, pina-bless at nagpamisa bago nila ito gamitin uli.

Sabi naman ilang taong malapit sa kilalang host, walang may kagustuhan sa nangyari. Kaya lalong maging maingat na lang sa susunod.

Sosorpresa ang ibang mga kaibigan ni Willie sa taping ng Wowowin na pinag-isipan nang husto ng production staff kung ano pa ang mga bagong pasabog at sorpresa. 

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with