^

PSN Showbiz

Mga kasambahay ng beki TV host na galante sa mga kaibigan, may mapait na karanasan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kilalang-kilala sa pagiging paboloso sa pagreregalo at pagtulong sa mga nangangailangan ang isang sikat na beki TV host. Impernes, sa puso niya naman nanggagaling ang pag-ayuda, wala siyang ibang intensiyon sa ginagawa niyang pagtulong sa mga lumalapit sa kanya.

Kahit sa kanyang mga kakontemporaryong komedyante ay very generous din ang beki TV host, bonggang-bongga ang kanyang mga regalo sa grupo kapag nagkikita-kita sila, madali lang niyang nagagawa ‘yun dahil sobra-sobra na ang kanyang kadatungan.

Pero may kuwento tungkol sa sikat na beki TV host, mula ‘yun sa mga dati niyang kasambahay na naglilingkod na ngayon sa ibang mga personalidad, heto ang istorya.

Kuwento ng aming source, “Wala na sa kanya ang mga dati niyang kasambahay, puro bago na ang kasama niya ngayon. Nag-alisan na kasi ang mga kasambahay niyang hindi pa siya ganyan kayaman, e, nasa housing authority na niya.

“Sila ang nakasapul ng kakaibang tantrums ng beki, kapag mainit pala ang kanyang ulo at wala siya sa huwisyo, e, hindi siya nagbibigay ng pamalengke sa mga kasambahay niya.

“Tiis-ganda lang ang mga itey, kani-kanyang bili sila ng food sa turo-turo, wala kasi silang lafang sa bahay ng boss nila, binigyan kuno sila ng leksiyon!

“Nasunog sa pamamalantsa ng isang maid-of-cotton ang isang paborito niyang damit. Nagwala siya siyempre nu’ng makita ang damit niyang sunog! Ang ending. Damay-damay na ang lahat sa galit niya!

“Wala silang pamalengke, hindi nila puwedeng bawasan ang mga de-lata nila sa pantry, talagang tinikis sila ng beki! Isa lang ang may kasalanan, pero damay na ang lahat,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Nang mag-alisan na ang grupo ay nagising sa katotohanan ang beki TV host, maling-mali ang kanyang ginawa, kaya mula nu’n ay hindi na nagugutom ang kanyang mga kasambahay.

“Napaka-generous niya sa ibang tao, pero sa mga tao pa ba namang kasama niya sa hirap at ginhawa ang gugutumin niya? Pero impernes naman sa beki, hindi na niya ginagawa ang ganu’n ngayon.

“Part lang kuno ‘yun ng sumpong niya, pinagsisihan na niya ‘yun, kaya wala na siyang kasambahay na umaalis ngayon. Ang ganda-ganda, di ba naman?” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kahit nakahiga sa salapi at mamahaling gamit, Gretchen malungkot ang buhay

Ilang araw na nanahimik si Gretchen Barretto. Puwedeng ang dahilan nu’n ay may mga nagbawal sa kanya sa pakikisawsaw sa kontrobersiyang wala naman siyang kinalaman.

Puwede ring dahil nasupalpal siya dahil ang mga taong pinangalanan niya para lang palabasing walanghiya si Kris Aquino ay nagsalita, pinasinungalingan ang kanyang rebelasyon, nganga nga naman siya.

Pero kung kilala nga ng mga taga-showbiz si Gretchen ay hindi matatapos ang kuwento sa basta ganu’n lang. Siguradong isang araw ay aalsa na naman siya. Makikisali na naman siya sa isyu bitbit ang kanyang mga pasabog.

At hindi na bago ‘yun, kahit naman ang kanyang mismong mga kapatid ay hindi nakaliligtas sa kanyang kasutilan, binebengga talaga ng aktres kahit ang kanyang mga kadugo.

Nu’ng magkaroon sila nang matin­ding banggaan nina Claudine at Marjorie Barretto ay walang nakakampi si Gretchen sa kanilang pamilya. Kani-kanyang pagtatanggol ang mga ito kina Claudine at Marjorie, mag-isa lang sa laban si Gretchen.

Komento nu’n ng isang malapit sa pamilya, “She was alone in the battle, nagkampihan ang mga kapatid niya. Mula kasi nu’ng yumaman na siya, e, lumayo na si Gretchen sa family niya.

“Kahit ang parents niya, hindi na niya dinadalaw, matindi ang gap nila until now, naoospital ang parents niya, alam niya naman ‘yun, pero hindi man lang niya sinisilip ang mga magulang niya,” kuwento ng kaibigan ng pamilya.

Malungkot ang buhay ni Gretchen Barretto. Literal siyang nahihiga sa kayamanan ngayon pero hindi pa rin kumpleto ang kanyang buhay.

Madalas nating marinig ang kasabihan na makaaway na natin ang buong mundo, basta nand’yan ang ating pamilya, ay kumpleto pa rin tayo. Matapang pa rin nating mapaglalabanan ang anumang paghamon ng buhay.

Kabaligtaran ‘yun sa kaso ni Gretchen Barretto.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with