Boyet
Boyet bibida sa MMK
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2019 - 12:00am

Tonight na pala eere ang kuwento ng buhay ni former Senate President Edgardo Angara sa Maalala Mo Kaya hosted by Charo Santos, sa ABS-CBN, 8:30 p.m.

Bibida ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa  kuwento ng namayapang senador na ama ni Senator Sonny Angara kung saan tatalakayin ang kanyang buhay bilang isang ama, asawa, senador, guro at lingkod-bayan sa #MMKTatayEdong episode.

Si Senator Edong ay namayapa noong May 13, 2018.

“Sa burol ni Papa namin na-realize kung gaano karaming tao ang natulungan niya sa pamamagitan ng mga batas na kanyang isinulong. Maraming lolo’t lola ang nagpapasalamat para sa senior citizens’ card, maraming scholars ang nagpapasalamat sa mga scholarships at free high school,” kuwento ng anak na senador.

Ang award winning actor lang ang only choice raw para gumanap sa buhay ng ama ni Senator Sonny na kasama sa mga  importanteng batas na isinulong ay ang Free Highschool, ang pagtatag ng Technical Education and Skill Development Authority (TESDA), PhilHealth at ang Senior Citizens Act.

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with