^

PSN Showbiz

Kinawawa dahil sa hollywood films mga pelikulang tagalog tsugi agad sa mga sinehan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kinawawa dahil sa hollywood films  mga pelikulang tagalog tsugi agad sa mga sinehan!
Gellie at Ariel

Masama ang loob ng writer at direktor ng pelikulang Sikreto ng Piso na si direk Perry Escano dahil kaagad daw sila tinanggalan ng mga sinehan kahit may audience naman sila.

Ang talagang ikinasama raw niya ng loob ay mas pina-prioritize raw ang foreign films kesa sa pelikulang atin.

“Hindi lang naman kami, pati ang isa pang pelikulang Pilipino nawala lang bigla at mas may priority sila sa isang film na Hollywood na pinalitan nila,” himutok ni direk Perry nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH nung isang gabi.

Tanggap naman daw nila kung talagang walang nanonood, pero meron naman daw at na-meet daw nila ang target na gusto ng sinehan.

Tumaas din daw ang mga nanood nung gabi, kaya nagtataka siya bakit kinabukasan ay natanggalan na sila ng mga sinehan.

Iyung isang operator daw, isang sinehan na lang ang iniwan sa kanila, at sa Pampanga pa.

Kaya paano naman daw sila makabawi gayung wala raw talagang kooperasyon sa kanila ang mga theater owners.

“Iyun ang masakit sa isang independent producer na hindi nila kami binigyan ng chance na ma-extend eh meron naman kaming audience.

 “Hindi dapat ganito, kasi sa ginagawa nila na puro Hollywood films ang mga pinapalabas nila. Kung ikaw ang audience, wala ka nang pagpilian kundi ang mga Hollywood films,” dagdag niyang pahayag.

Nabanggit sa amin ni direk Perry na 28 cinemas lang naman ang nakuha ng Sikreto ng Piso, pero pagkatapos magbukas nung nakaraang Miyerkules, 17 na lang daw ang natira.

Ayon sa aming source, mahigit 200 thousand pesos lang ang kinita ng Sikreto, pati ang ‘Tol, at halos isang milyon ang Bato: The Movie.

Mahina ang tatlong pelikulang iyun kung tutuusin, pero inaasahang makabawi ito ngayong weekend pero paano nga kung kaagad na tinanggalan na sila ng mga sinehan.

EB naghahanda na sa 40 years celebration

Naka-tape ang Eat Bulaga kahapon, February 1 dahil nasa GMA 7 ang buong Dabarkdas para pumirma ng renewal of contract sa Kapuso network.

Sabi nga ni Mr. Tony Tuviera ng TAPE, Inc., pang 24th year na raw nila ngayon sa Kapuso network.

Mukha namang wala na itong alisan.

Malaking selebrasyon nga itong pinaghahandaan nila sa 40 years straight na napapanood at nakakatulong ang Eat Bulaga.

Siyempre, hangang-hanga naman si Atty. Felipe Gozon kina Tito, Vic & Joey dahil hanggang ngayon ay walang kupas ang samahan nilang tatlo at parami pa nga sila nang parami.

Si Pauleen Luna pa ang isang tuwang-tuwa dahil dagdag pa sa kanilang Dabarkads ang anak nila ni Bossing Vic na si Talitha. Kampanteng-kampante na raw ang bagets sa studio na kasundo na niya ang mga production staff at co-hosts ng naturang noontime show.

Kaya nga sa Eat Bulaga na rin daw lalaki si Talitha.

Inaasahan na nilang magiging isa na rin sa mga co-hosts si Talitha.

vuukle comment

PERRY ESCANO

SIKRETO NG PISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with