^

PSN Showbiz

Tatay ng aktor, malaki ang impluwensiya sa datung ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nakapagtataka kung bakit mahusay sa paghawak ng pananalapi ang isang sikat na male personality. May pinagmanahan pala siya.

Tutok-marino pala ang kanyang ama sa mga kinikita niya. Ito ang humahawak sa kanyang pera, ito rin ang katuwang ng sikat na male personality sa pagdedesisyon kung anu-anong negosyo ang papasukan nila, pareho silang mapagpahalaga sa pinaghihirapan ng sikat na aktor.

Kuwento ng aming source, “Hindi naman pinangu­ngunahan ni father ang anak niya, nagsa-suggest lang siya, pero sa kanilang dalawa, mas maingat sa pera ang tatay.

“Kailangang nasa ayos ang paggastos ng anak niya, hindi dapat nasasayang ang pinagpapaguran niya. Ganu’n kaingat sa kaperahan si father,” unang kuwento ng ­aming source.

Pero hindi naiintindihan ng ibang tao ang pagiging masinop sa pera ng ama ng sikat na aktor. May mga reaksiyong lumalabas na sobrang kuripot si father, hindi tulad ng kanyang anak na kahit paano’y marunong mag-share, mas maluwag kuno sa pera ang pamosong male personality.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Napagdududahan ngang walang tiwala sa ibang tao ang daddy niya. Kasi, sa mga pinapasukan niyang business, e, umaagapay rin ang father niya.

“Natural, hindi naman lahat, e, makakaintindi na iniingatan lang ni daddy ang pinaghihirapan ng anak niya, di ba? Na natural lang sa lahat ng mga magulang na nagmamahal at nagmamalasakit sa anak nila!

“Pero aminin natin, napakalaking tulong ni daddy sa anak niya, kahit sa career ng anak niya, e, may active participation si daddy.

“Sa mga time nga na hindi nakararating ang sikat na male personality sa ibang gathering, e, ang daddy niya ang nagiging representative niya. In fairness, nagmana rin ng kaguwapuhan si bagets sa father niya!

“Masuwerte ang male personality dahil mapagmalasakit ang tatay niya sa kinikita niya. Merong nagga-guide sa kanya sa finances niya.

“Hindi siya matutulad sa ibang artista na sumikat pero walang naipon at naipundar. E, itong sikat na male personality na ito, meron nang fallback kapag hindi na siya masyadong kinakikiligan.

“Sigurado na ang future niya at ang kinabukasan ng family niya. In fairness!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Maricel perfect ang tingin sa ginagawa ni Arjo

Masyado nang nakatutok ang atensiyon ng marami sa kontrobersiyang kinapapalooban ni Arjo Atayde. Puro tungkol sa closeness nila ni Maine Mendoza ang pinag-uusapan.

Naiisantabi na tuloy ang kahusayan ng tisoy na aktor tulad ng papel na ginagampanan niya sa The General’s Daughter na mapang-agaw ng pansin, hindi lang basta lover si Arjo Atayde, punumpuno rin siya ng talento.

May pagka-autistic ang ginagampanang role ni Arjo sa matagumpay na serye, palaging sila ni Maricel Soriano ang magkaeksena, mag-ina sila sa palabas.

Nang may magtanong sa Diamond Star kung paano nito bibigyan ng grado ang husay sa pag-arte ni Arjo ay napakabilis ng kanyang sagot. Perfect ten. Sobrang saya ng anak ni Sylvia Sanchez nang makarating sa kanya ang sobrang papuri ni Marya sa kanyang acting.

“Coming from someone like Ate Marya na napakarami nang napapatunayan, it’s really something. Ang sarap sa pakiramdam,” komento naman ng binatang aktor.

Hanggang ngayon ay busog na busog pa rin si Arjo sa pamba-bash ng ibang miyembro ng AlDub Nation. Hindi naman lahat, marami pa rin namang mga tagahanga si Maine na marunong tumingin sa katwiran, pero maraming matatawag na blind followers sa kanilang grupo.

2019 na, hindi na dapat nanghihimasok ang mga tagahanga sa lovelife ng kanilang idolo, kailangan nilang tanggapin na ang puso ni Maine ang magdidikta sa ikaliligaya ng dalaga at hindi sila.

Marespeto si Arjo Atayde, walang dapat ikabahala ang mga tagasuporta ni Maine Mendoza, pinalaki nang maayos ng kanyang mga magulang ang binata.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with