^

PSN Showbiz

Ketchup tutol sa gamitan nina Carlo at Angelica!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Ketchup tutol sa gamitan nina Carlo at Angelica!
Ketchup

Parehong matalik na kaibigan ni Ketchup Eusebio sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban pero kung siya ang masusunod ay ayaw niyang magkatuluyan o magkaro’n ng romansa ang kanyang mga kaibigan. Mas gusto niyang manatili na lamang silang magkakaibigan para makaiwas sa mga mas kum­plikadong bagay na maglalayo sa kanila.

Gaya ng nangyayari ngayon kina Carlo at Ange­lica na dahil hindi batid ng marami ang real score sa kanila ay kung anu-anong ispekulasyon ang lumalabas tungkol sa kanila. Like niloloko nila ang mga sumusubaybay sa kanila dahil meron naman daw girlfriend ang aktor, at pumapayag si Angelica na gamitin siya para lamang mapaa­ngat at mapanatili ang loveteam nila.

Gusto ni Ketchup na manatili ang friendship nila at mangyayari lamang ito kapag walang ligawan ang dalawa. Hindi pa sila maba-bash for trying to deceive the public.

Napag-uusapan na rin lamang si Ketchup, uma­min itong naging mas sensitibo siya sa maraming pangyayari sa kanya simula nang magbuntis ang girlfriend niya. Konting kibot ay napapaiyak siya kapag nakakapanood ng mga eksena tungkol sa mga sanggol.

Sampung taon na ang relasyon nila ng girlfriend niya at napaguusapan na rin nila ang pagpapakasal pero, hanggang ngayon ay sinabi niyang hindi pa rin sila handa. Masaya siya na maganda ang takbo ng kanyang karera, kasama siya sa pelikulang ‘Tol with Arjo Atayde at Joross Gamboa. Magkakaibigan sila na nasira dahil sa isang babae lamang sila nagkagusto na ginagampanan ni Jessy Mendiola.

Ogie susugalan ang movie ni Regine

Sa dami nang pinagkakakitaan ng mag­asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay nagawa pa rin ni Ogie na maglabas ng pera para makapag-prodyus ng isang pelikula para sa kanyang sarili, ang Kuya Wes. Nakisosyo siya sa Spring Films nina Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal at Erick­son Raymundo para mabuo ang pelikula na nagustuhan ng lahat ng mga nanood ng premiere showing nito sa UP Film Center Cine Adarna. Makikipagsosyong muli si Ogie sa Spring Films para naman sa isang movie na si Regine Velasquez ang bida.

Heart ‘di ipinagyayabang ang mga achievement

Sa kabila ng mga kontrober­sya na kinasangkutan niya at malabis na kalungkutan na pinagdaanan niya nang mawala ang kambal nila ni Sen. Chiz Escudero, patuloy si Heart Evangelista sa pagpapalaki ng kanyang pangalan at personalidad sa blogging, painting at travel hanggang sa ibang bansa.

Bukod sa tinanghal siyang mahalagang online influencer, na-feature ang isa niyang painting sa February issue ng Harper’s Bazaar US na itininutu­ring niyang regalo para sa birthday niya ngayong Valentine’s Day at mahalagang kontribusyon niya para sa ikararangal ng bansa. Patuloy pa rin ang pamamayani ng kanyang brand ng damit na LM for Kamiseta. Isa si Heart na maipagmamalaki ng  Kapuso  sa national at international pero, walang funfare o pagyayabang. Tahimik lamang siya.

vuukle comment

KETCHUP EUSEBIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with