Jolina at Marvin
Jolina excited sa balikan nila ni Marvin
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2019 - 12:00am

Napabalita noong isang taon na posibleng magtambal muli sa isang pelikula sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Matatandaang maraming proyektong pinagtambalan ang dalawa na talaga namang nagpakilig sa kanilang mga tagahanga. Ayon kay Jolina ay mukhang matutuloy na ngayong taon ang kanilang reunion movie ng aktor. “Parang last year pa namin ‘yan pinag-uusapan hanggang sa finally ngayong pagpasok ng 2019, bigla akong binabalitaan. Binabalitaan niya (Marvin) ako na nakikipag-meeting na siya kung kani-kanino,” nakangiting kuwento ni Jolina.

Umaasa ang dating magkatambal na muli silang susuportahan ng kanilang mga tagahanga kung sakaling matuloy nang gawin ang bagong pelikula. “Looking forward talaga kami to do this film ngayong year. Kasi medyo na-miss namin ang ‘pag-work sa isa’t isa. Kaya noong nakita ko siya noong birthday (November, 2018) ko, para kong nakita ang best friend ko, Oh yes, ‘Kaibigan mo lang ako’ parang mga gano’n,” pagbabahagi ng aktres.

Taong 1999 pa nang huling nagtambal sina Jolina at Marvin sa pelikulang Hey Babe. Matatandaang nagkasama rin ang dalawa sa teleseryeng FlordeLiza noong 2015 sa Kapamilya network.

Aminado si Jolina na sobra siyang nae-excite na muling makatambal ang aktor. “Sobra akong na-excite na nagkakaroon kami ng time ni Marvin, na makapag-usap ulit ng project together,” pagtatapat niya.

Edu aliw na aliw kay Jessy

Magtatatlong taong magkasintahan na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano at aminadong napag-uusapan na ang tungkol sa pagpapakasal. Nakikita umano ng ama ng aktor na si Edu Manzano na masaya si Luis sa estado ng relasyon nito kay Jessy. “Aprubado, kung saan maligaya si Luis, doon ako maligaya. Hindi ako makikialam. Basta ang importante talaga kung saan siya happy,” makahulugang pahayag ni Edu.

Tanggap rin ng buong pamilya ni Luis si Jessy kaya palaging nakakasama ng mga ito ang aktres. “Si Jessy is always welcome (sa bahay) at lagi siyang kasama kahit saan kami kumain sa labas. Maganda na gusto mong makita ‘yung anak mo kung paano nade-develop ang buhay niya, kung happy siya,” pagbabahagi ni Edu.

Para sa beteranong aktor ay nakikita rin niya kay Jessy ang mga katangian na talagang naibigan ni Luis sa dalaga. “Nakakatawa si Jessy. I think isa ‘yon sa dahilan kung bakit sila nagkakasundo is because maganda ang kanilang sense of humor,” giit ng aktor. Matatandaang nabanggit din sa isang pahayag ng ina ni Luis na si Vilma Santos-Recto na malapit din sa kanilang pamilya ni Ralph Recto si Jessy at naiinip na rin umano na magkaapo ang Star for All Seasons mula kina Jessy at Luis.

JOLINA MAGDANGAL MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with