^

PSN Showbiz

Martin Pinakawalan Ang International Career

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Martin Pinakawalan Ang International Career
Martin at Lani

MANILA, Philippines — Handang-handa nang maging lolo si Martin Nievera. ‘Yun nga lang, wala pang sinasabi ang anak niyang si Robin na karelasyon ng anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia kung may plano na ba silang pakasal.

Napag-usapan ang pagiging lolo ng concert king nang matanong si Lani Misalucha kung nakakasama niya ba ang apo pag valentine sa presscon kahapon ng Timeless Classics concert nila together on February 14,  PICC Plenary Hall.

Sa Las Vegas kasi naka-base ang family ng apo ni Lani. Pero iba raw talaga ang pag lola ka na. Iba ang pagmamahal.

Anyway, during the presscon ay nakuwento rin ni Martin sa kanya talaga dapat ang slot ni Pops Fernandez sa The World’s Best.

 Pero hindi nag-swak ang schedule niya sa taping days ng bagong talent search show sa Amerika na mapapanood sa CBS channel na ang producer din ay sina Mark Burnett and Mike Darnell na nasa likod ng The Voice and American Idol kaya magandang international exposure sana ito para sa kanya.

Kaya lang nang ibigay niya (Martin) ang schedules niya hindi sumakto dahil magkakaroon ito ng taping everyday eh marami na siyang prior commitment - concerts here and abroad at hindi na siya maka-back out.

At nang tanungin siya kung meron siyang anyone na  puwedeng pumalit sa kanya, si Pops na ang  binanggit niya.

So ‘yun na yun. Inaayos na ang schedule ni Pops at mabilis ang naging process.

Si Pops ang representatives ng bansa sa 50 judges sa The Worlds Best na eere na this Feb­ruary.

Anyway, going back to Timeless Classics, nag-promise sina Martin at Lani na iba ang mga naka-line up nilang songs sa nasabing concert, produce by Starmedia Entertainment.

Martin and Lani’s first major concert ay ang Masquerade  noong October 2016 at napanood nga sa Manila last February 2017.

Sa sobrang successful ng nasabing concert ay nagkaroon ito ng repeat the following month.

Tickets for Timeless Classic are available at all Ticketworlds or call 891-9999.

MARTIN NIEVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with