^

PSN Showbiz

Aljur ayaw pamanahan ni Robin

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Aljur ayaw pamanahan ni Robin
Aljur

Marami ang curious kung bakit wala sa listahan ni Robin Padilla ang pangalan ng manugang niyang si Aljur Abrenica na pinili niya na posibleng magmana ng kanyang korona bilang action king.

Hindi naman ito pahuhuli sa mga binanggit niyang sina Coco Martin at Dingdong Dantes na may mga katawan din at gumagawa ng mga action films pero, maging sila ay tinatawaran din ni Binoe ang kakayahan dahil mga aktor sila at hindi mga tunay na mix martial artist na sa palagay niya ay kailangang-kailangan ng mga gumagawa ng action movies.

Sadly, wala pa raw siyang nahahanap na action star na may ganitong katangian, hindi sina Dingdong at Coco, hindi si Aljur.

Arjo gagawin ang lahat para kay Maine

Alam mo na nakatagpo na ng mamahalin niya si Arjo Atayde kay Maine Mendoza. Wala na siyang takot na ilagay sa alanganin ang karera niya.

Hindi kakaunti ang bilang ng fans na sinasangga niya maipagtanggol lamang si Maine sa mga hindi magagandang salita na tinatanggap nito sa kanyang bashers.

Nagbabanta pa siya ng demanda, maipagtanggol lamang ito. Mahirap magkaso sa mga hindi niya kilala at nagtatago lamang sa social media pero, gagawin niya ang lahat matigil lamang ang panggugulo kay Maine at sa pamilya niya.

Ice excited bigyan ng apo ang ina

Ginagawa talaga ni Ice Seguerra ang lahat ng paraan magkaanak lamang sila ni FDCP Chairman Liza Diño. Mahabang proseso ito at lubhang may kamahalan pero, hindi ito sagwil for them to try na magkaro’n ng isang buong pamilya. 

Paganay din ito ni Ice sa kanyang ina na bibigyan niya ito ng apo. Mabuti na lamang at wala nang trabaho sa gobyerno si Ice kundi baka mapagbintangan pa siyang gumagamit ng government funds para rito. Tsk. Tsk. Tsk. 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with