Luis at Jessy
Luis at Dennis pini-pressure pakasalan sina Jessy at Jennylyn
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2019 - 12:00am

Ngayong 2019, ma­rami ang umaasa na magpu-propose na sina Luis Manzano at Dennis Trillo sa kanilang respective girlfriends na sina Jessy Mendiola at Jennylyn Mercado.

Parehong 37 na sina Luis at Dennis habang 31 naman si Jennylyn while si Jessy ay 26 years old.

There was a time na na­ging magkasintahan sina Luis at Jennylyn na tumagal din ng mahigit dalawang taon pero nagkahiwalay sila in 2014.  After their break-up ay si Jessy na ang na­ging girlfriend ng panganay ng estranged couple na sina Vilma Santos at Edu Manzano. Si Jennylyn naman ay nakipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na si Dennis.

Mag-aapat na taon na rin ang relasyon nina Dennis at Jennylyn magmula nang sila’y magkabalikang muli in 2015 kaya marami ang naniniwala na sa altar aabot ang relasyon ng dalawa.  At ganundin ang inaasahan sa magkasintahang Luis at Jessy.

Huwag naman sanang hintayin pa nina Luis at Dennis na sila’y mag-forty bago nila yakagin ang kanilang respective girlfriends na magpakasal.

Hello bashers, Arjo at Maine lalo lang tumitibay ang relasyon

Hindi na gusto ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang pamba-bash sa kanya at maging kay Maine Mendoza dahil nada­damay na rin pati pamilya ni Arjo. Dahil dito, gu­magawa na rin ng paraan ang actor kung paano niya mata-track down ang mga bashers para mabigyan ng leksyon.

Ang ipinagtataka lamang ni Arjo ay kung bakit hindi masaya ang mga basher na maging masaya silang mga artista sa sarili nilang gustong buhay at kung bakit nakikialam ang mga ito pati na rin sa personal nilang buhay.

Inamin na ng Kapamilya actor na exclusively da­ting sila ng ka-loveteam ni Alden Richards   bagay na hindi lalo matanggap ng mga fans na pabor kina Alden at Maine.

Maging ang ina at kapatid ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde ay pumalag na rin sa mga basher na kesyo sinungaling umano si Arjo at ginagamit lamang umano nito si Maine.

Dapat siguro’y magkaroon na rin ng sariling kasintahan si Alden nang matigil na rin ang mga basher. Hindi kasi nila mapaghiwalay ang personal at propes­yon ng mga artista at sila na mismo ang nagdidikta sa gusto nilang makatuluyan ng kanilang mga iniidolo.

DENNIS TRILLO LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with