Cynthia
Buhay ni Sen. Cynthia kapupulutan ng aral!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2019 - 12:00am

Excited na ako na mapanood ang life story ni Senator Cynthia Villar sa Magpakailanman, ang primetime drama anthology ni Mel Tiangco sa GMA-7.

Sure ako na kapupulutan ng aral ang inspiring life story ni Mama Cynthia na isa sa mga pinakamasipag na senador ng bansa natin.

Parang pelikula ang isinadula na kuwento ng buhay ni Mama Cynthia.

Si Glydel Mercado ang gaganap na present day Cynthia Villar at tiyak na mabibigyan niya ng justice ang role dahil magaling siya na artista.

Sa February 9 ang airing ng The Cynthia Villar Story sa Magpakailanman na dapat abangan at panoorin para malaman ng lahat kung bakit hindi nagkamali ang mga Pilipino na iluklok siya sa senado.

Three years ago, naging kontrobersyal at talagang pinag-usapan ang opinyon ni Mama Cynthia tungkol sa unli-rice promo ng mga restaurant.

Natatandaan ko pa ang sinabi ni Mama Cynthia sa mga reporter na “You know, the findings in other countries, mas better ang diet nila. Hindi masyadong maraming rice, may vegetable. If you really ask doctors, that’s a better diet.

“So dapat i-train na rin nating mga Filipinos not to eat too much rice kasi nagi­ging diabetic. And you know, it’s expensive to cure diabetes. Parang sinasabi sa ibang bansa kaya hindi sila nagiging self-sufficient, because they have a better diet. So makakatulong iyon, iyong sinasabi nilang unlimited rice, hindi maganda iyon sa diet natin.”

Nega ang mga comment ng mga mahihilig sa unlimited rice at nakatikim noon ng mga batikos si Mama Cynthia pero ang ending, na-realize ng kanyang mga kritiko na totoo ang mga sinabi niya kaya nanahimik na lamang sila.

Nakalimutan kasi ng mga nega Pinoy na hindi lamang magaling na senador at businesswoman si Mama Cynthia dahil ina rin siya na may mala­king malasakit, hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa lahat ng mga kababayan natin.

Si Willie Revillame ang isa sa mga nagmamahal kay Mama Cynthia at sa pamilya nito.

Pangalawang ina ang turing ni Willie kay Mama Cynthia.

Malalim ang pinagsamahan ng mga Villar at ni Willie kaya always present sila sa mga important event ng host ng Wowowin.

Sa Linggo, January 27, ang birthday ni Willie at hindi ito nakakalimutan ng Villar family. Nagpunta si Mama Cynthia sa studio ng Wowowin para personal na batiin si Willie ng happy birthday.

Vicki Belo sa Paris nag-birthday

Hindi lamang si Willie ang magdiriwang ng kaarawan dahil ngayon naman ang birthday ni Dra. Vicki Belo na lumipad sa Paris para dito mag-celebrate.

Siyempre, kasama ni Vicki sa Paris ang kanyang asawa na si Hayden Kho, Jr.

As usual, good health at more blessings ang mga birthday wish ko kay Vicki na hindi pa rin natitinag sa kanyang puwesto bilang number one beauty and skin doctor sa Pilipinas.

Wala nang mahihiling pa si Vicki dahil maligaya siya sa piling ng kanyang asawa, mga anak at apo na araw-araw na nagpapasaya sa kanya. Ang anak niya na si Scarlet Snow at apo na si Hunter ang mga stress-buster ni Vicki.

CYNTHIA VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with