^

PSN Showbiz

Anne sobra na kung insultuhin ni Vice

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Anne sobra na kung insultuhin ni Vice
Anne at Vice

Wala naman akong masabi sa ginawang pagsabay ni Anne Curtis nung Huwebes sa opening number ng It’s Showtime na kung saan ay sumabay siya sa pagkanta ang mga kinikilalang diva ng bansa na sina Dulce, Dessa, Klarisse de Guzman, Morisette Amon, Yeng Constantino, Sheena Belarmino, Frenchie Dy, Bituin Escalante. Talagang buong confident na sumabay ng pagkanta sa kanila ang host ng show na hindi kinakitaan ng pagkabahala o pagkakamali sa kanyang naging performance. Perfect ang trabaho niya. Sa ginawa niya sana man lang ay mabawasan ang pang-ookray sa kanya ni Vice Ganda na talaga namang nakakainsulto na.

Porke ba hindi ito umiimik at hinahayaan lang niya? Ang mga ganun kagandang pagkanta ay nakukuha lamang sa pala­ging pagsasanay at ‘yun si Anne na sa sobrang ka­gustuhan na maging magaling sa pagkanta ay hindi tumitigil sa kanyang pagpapakagaling at unti-unti nang naa-achieve ang kanyang mithiing ma­kilala rin sa larangan ng pag-awit.

Jameson kilig na kilig kay Elisse

Malaki at maganda ang pagkakataon na ipinagkaloob ng seryeng Ngayon at Kailanman lalo na kay Jameson Blake dahil nakita sa serye na marunong siyang umarte. Katunayan sa rami ng ma­gagandang eksena niya sa serye ay sinasabing napatungan niya si Joshua Garcia sa acting. At hin­di lamang sa pag-arte siya umasenso, maski na ang lovelife niya ay gumanda rin. Kahit anong pagtanggi ang gawin niya, kita ang paghanga na nararamdaman niya sa ex ni McCoy de Leon na si Elisse Joson. Itanggi man niya na ipinagpaalam niya kay McCoy na liligawan niya ang ex nito, dun pa rin siya hinihinalang pupunta.

Sinabi niyang pinakilig siya ni Elisse nung Pasko dahil ito ang kauna-unahang babae na nagbigay ng regalo sa kanya.

Aktor nagtayo ng sariling paliga!

Meron na namang naisip na isang magandang kontribusyon para sa mga kabataang Pinoy ang actor/filmmaker na si Carlo Maceda. Nagtatag ito ng sarili niyang Community Basketball Association (CBA), isang alternatibong paliga ng basketball para sa lahat ng kabataang mahihilig sa sports na ito sa buong bansa.

Hindi naman kaliligta­an ng actor/filmmaker ang pag­gawa ng pelikula pero da­hil naniniwala siyang overcrowded ito nga­yon ng maraming indie films kung kaya magpo-focus muna siya sa ibang na­pagkakalibangan ng ma­ra­ming kabataan ng kahit anong antas ng buhay me­ron sila ay kailangang may ma­pag­­kaaliwan sila. Iti­na­tag ni Carlo ang CBA June ng 2018 kasama ang maybahay niyang si Derlyn Mace­da katu­long ang kinuha niya para maging consul­tant ng CBA na si Pido Jarencio, isang PBA (Philippine Basketball Association) legend.

Magsisimula ang CBA ngayong January 27 sa San Mateo Coliseum. Mapapanood ang lahat ng laban nito tuwing Sabado’t Linggo sa IBC 13.

Labindalawang Koponan ang bubuo ng CBA na magpapasaya sa maraming komunidad. Bawal ang ex-PBA, ex-ABL pero, bukas sa may edad 18 pataas at ang mananalo sa kumpetisyon ay makakatanggap ng P1M.

Launching ng bagong food supplement dinaluhan mga senador

Napakasosi ng naging launching ng Brainew PS, isang food supplement that fights the signs of memory loss, depression at lack of focus. Bagay na bagay ito sa may edad nang tulad ko na nagsisi­mula nang magulyanin at umikot-ikot sa aking kinatatayuan dahil mayro’n itong phosphatidylserine na nagpapalakas ng brain function at Vitamin E para mag-glow ang ating skin at nilalabanan ang signs of aging simula sa gulang na 19.

Kaya kahit walang celebrity na nakita bukod pa kay Arnold Clavio na pinag-iisipan pa kung tatanggapin ang offer ng Doosan Corporation para ma­ging endorser ng Brainew PS, andun din sina Sen. Juan Ponce Enrile at Atty. Larry Gadon, parehong tatakbo bilang senador sa eleksyon sa Mayo.

vuukle comment

ANNE CURTIS

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with