Kinilala ang pumanaw bilang si Estrella Bognot habang nagtamo naman ng pinsala ang isang Milagros Espiritu.
Facebook/Wowowin
'Wowowin' audience member patay sa disgrasya
(Philstar.com) - January 24, 2019 - 9:56am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang studio audience sa taping ng "Wowowin" habang sugatan naman ang isa pa matapos maaksidente noong ika-22 ng Enero 2019.

Kinilala ang pumanaw bilang si Estrella Bognot habang nagtamo naman ng pinsala ang isang Milagros Espiritu.

Sa joint statement ng WBR Entertainment at GMA Network, sinabing nag-aawitan at nagsasayawan ang dalawa nang mawalan ng balanse sa kinatatayuang bleachers ng studio.

Ito'y nangyari sa simulang bahagi ng palabas.

Nagtamo ng fracture si Espiritu habang tumama naman ang ulo ni Bognot sa isang fire extinguisher.

Agad naman silang nilapatan ng punang lunas ng in-house paramedic at isinugod sa Delgado Hospital.

Nakikiramay naman ang WBR Entertainment at GMA Network sa pamilya ng mga mga biktima't naulila.

"WBR Entertainment and GMA Network deeply commiserate with, and extended immediate assistance to, the families and loved ones of the victims," sabi sa kanilang pahayag.

(Lubos na nakikiramay at nagpapaabot ng tulong ang WBR Entertainment at GMA Network sa pamilya't mga mahal sa buhay ng mga biktima.) — James Relativo

GMA NETWORK WBR ENTERTAINMENT WILLIE REVILLAME WOWOWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with